"HAY buwisit!" inis na bulong ni Kean sa sarili nang hindi sumagot ang ama sa tawag niya sa personal mobile number nito. Maaga pa lang ay nagpabatla na siya rito kaugnay sa mapanganib na bagay na susuungin niya ngayong gabi. Kalaliman ng gabi kaya iniisip niya na baka kasalukuyang nahihimbing ito. Hindi niya magawang tumawag sa opisina dahil suspendido siya at baka tuluyan na siyang ma-discharge kung malaman ng mga ito ang pakikisawsaw niya sa kasong hawak ni Naylor. Tinanaw niya buhat sa kubling lugar na kinaroroonan ang dalawang papalayong sasakyan kung saan naroon sila Bryle at Brianne. Kumilos siya at tinungo ang kaniyang sasakyan na naroon din lang nakakubli kasama niya. Sumakay siya at muli niyang tinawagan ang numero ng kaniyang ama upang piliting makahingi ng reinforcement.

