14 - Regret

2033 Words

IMINULAT ni Brianne ang kaniyang mga mata na kanina pa nakapikit bagama't gising na gising ang isip. Hindi siya dalawin ng antok, may bumabagabag sa isipan niya simula pa kanina nang umakyat siya roon sa kaniyang silid matapos maghapunan mag-isa. Si Bryle ay sa likod ng safe house kumain sa harap ng lawa na naroon. Nilingon niya ang bahagi ng kama kung saan nahihiga dati si Bryle, umaasa siya na muli ay uukupahin nito iyon kagaya noon subalit bakante pa rin nang mga sandaling iyan. Ilang gabi at ilang araw na ba siyang hindi pinapansin ni Bryle simula nang araw na pagwikaan niya ito? Ah, hindi na niya mabilang. Hindi na nga rin niya malaman o maalala kung ilang araw o gaano na sila katagal doon sa safe house, basta pakiwari niya ay napakatagal na. ‘Sineryoso talaga niya ang mga sinabi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD