TINUGBOK ni Bryle ang dalag sa tubig gamit ang hawak na sanga ng kahoy na mayroong sadyang tulis sa dulo. Napasigaw siya sa tuwa nang matyambahan niya iyon. "I’ve caught one!" tuwang-tuwang sabi niya sabay lingon sa kinauupuan ni Brianne pero napamata siya nang makitang wala na ito roon sa ibabaw ng tipak na bato. Iginala niya ang tingin at kaagad naman niya itong nakita pero para lang mapanganga. Napabulalas siya ng paghanga sa isip nang makita ang minsan na nahantad nitong kaseksihan sa paningin niya matapos nitong alisin ang panlabas na kasuotan. Bumagsak sa batuhan ang mga hinubad nito. Napasunod siya ng tingin sa dalaga nang lumakad ito sa gilid ng malaki at mataas na tipak ng bato at buhat doon ay walang anumang nag-dive sa tubig. Sandali niyang minasdan ang paglangoy nito roon

