Episode 7

1008 Words
WALANG pasok ngayon sila Lovely at Beauty. Kapwa sila nasa bahay lang. Kanina pa nga nagyayaya ang kanyang kaibigan na lumabas naman daw sila. Kailangan daw nila na makagala at makapunta sa mga sikat na pasyalan, malalaking mall at tindahan. At para kay Lovely ay tunog gastos lang naman ang suhestiyon ng kanyang kaibigan, kaya naman ang ending e nandito lang siya sa bahay, habang si Beauty e naghahanda na upang umalis. "Sure ka na ba na hindi ka sasama teh? Ikaw lang ang maiiwan dito, sige ka," pamimilit ni Beauty sa kanya sa huling pagkakataon. "Ayos lang, itutulog ko na lang," ani naman niya. "Tigas talaga ng ulo mo 'te. Masyado kang tight sa budget mo. Isipin mo na lang na sa mga araw na pinagtrabahuan mo, deserve mo naman na lumigaya ka," ani naman niya sa kanya. "Ayos lang talaga ako. Hindi ko hilig na pumunta sa mga matataong lugar. At saka kailangan ko pang magpahinga. Trabaho bukas, kaya imbes na igagala ko ang aking sarili, ipapahinga ko na lang upang bukas e may mas lakas pa ako sa trabaho," wika naman niya. "Wala na talaga kaming lusot sa 'yo ano? Sige na," wika ng babae at saka na siya umalis. Pero bumalik na naman siya para sabihing; "Teh, huwag mong kalimutan tingnan ang bahay ha. Lock ka ng pinto, kahit sino pang magpapakilala na santo at humihingi ng tulong, huwag mong pagbuksan kahit na ano pa ang mangyari. Hindi ito katulad nv probinsya. Ang Maynila ay puno ng maraming masasamang tao," sabi naman niya. "Salamat, alam ko naman iyon..kaya ikaw rin ay dapat na mag-ingat ha. Mag-ingat ka sa daan at kung saan ka man pupunta," habilin din ni Lovely. Naiwan na lang na mag-isa si Lovely. Nagawa na niya na maglinis, maglaba, mag-ayos ng gamit, at kanina nga lang e nakapagpadala na siya ng pera sa bahay ampunan. Halos allowance lamg ang tira niya. Lahat e pinadala na niya. Dahil para kay Lovely e ang dahilan naman talaga niya kung bakit siya nakipagsapalaran dito e upang makatulong sa mga bata na napamahal na rin sa kanya. Tumawag na nga siya gamit ang pinaglumaan na cellphone ng kanyang kaibigan. "Magandang araw po, sister," bato naman niya. "Pagpalain ka, Lovely. Kamusta ka diyan? Hindi ka naman ba masyadong nahihirapan o nabinigatan sa biglaang responsibilidad na nakaatang sa iyong balikat?" tanong ng madre na naging kaibigan na rin niya. "Hindi naman po. Mabait po ang boss at katrabaho ko. Masaya ho ako, kahit na aminin ko man na may malaking pangungulila po talaga akong nararamdaman, mas higit na lamang po ang pakiramdam na nais kong makatulong po diyan, kahit sa isang sinpleng pamamaraan lang," ani niya naman. "Busilak ang iyong puso. At alam ko na tanging ibang may busilak na puso rin ang makakakita non. Lovely, may mga umaaway ba sa iyo riyan?" Naisip niya tuloy ang mga araw at pagkakataon na para bang tubig na lang na nilulunok ni Lovely ang pagdaramdam. Ang masasakit na salita at insulto na dahil sa kanyang pangit na mukha. "Sanay naman ako, Sister. Isa pa e hindi naman po mapapakain at malalamnan ang aking tiyan kung sakali man na papaapekto ako sa kanila. Ayos na po ako," ani naman niya. "Ipagdasal mo sila, Lovely. Sapagkat sila ang tao na mas nangangailangan noon. Walang masama na lumaban, ngunit tingnan mo at ang Diyos Ama ang siyang sasagip sa iyo." Ibinigay naman ng madre ang cellphone sa dalawang bata na mas malapit sa kanyang puso. "Ate!" *Ate Lovely ko!" Halos maiyak na si Lovely sa labis na pangungulila niya sa mga bata. Si Buchoy at ang mataba at mapisil na pisngi nito. At si Jamie na para bang nakababatang babae na niyang kapatid. "Mga bunso, kamusta na kayo? Malapit na ang pasukan qh? Aral kayo ng mabuti diyan ha?" ani naman ni Lovely. "Opo, ate! Alam kasi namin na ang mga baon namin na biscuits at saka po juice e galing po sa sahod ninyo. Kaya naman po na mas pagbubutihan pa namin ang aming pag-aaral. Pero ate, sana umuwi ka na agas ha? Kahit wala na pong tsokolate o pasalubong. Miss na miss ka na po kasi namin kayo e," wika ni Buchoy sa kanya. Hindi na nga niya napigilan na maiyak. "Wala iyon, hindi niyo kailangan na isipin ang mga ibinibigay ko. Basta maging masaya lang kayo," ani naman niya. "Ate uuwi ka pa naman hindi ba?" niiyak na rin na wika ni Jamie na nasa kabilang linya. "Oo naman, kahit na mauntog ako sa pader e hindi ko kayo malilimutan," ani ko naman. "Ate may mga nag-aaway po ba sa inyo diyan?" tanong sa kanyang ng batang lalaki. "Basta, huwag niyo ng itanong iyan at kaya ko na ang sarili ko. O sige na, tanghali na at daoat e matulog kayo sa tanghali, para naman lumaki na kayo, at tayo naman ang aabot sa pangarap natin habang ibang bata naman ang ating tutulungan." Nais oa nga ng mga bata na makipag-usap sa kanya, ngunit habang tumatagal e mas lalong lumalala ang nararamdaman niya ngayon na pangungulila. Naisipan na lang ni Lovely na kunin ang palaman at tinapay sa kusina, nagtimpla ng kape at saka na lang sa terrace siya magme-meryenda. Ngunit sa kasamang palad e may isang lalaki na naman na ayaw niyang makita ang narito. "Pangit, nandito ka na pala. Asan ang kaibigan mo?" tanong ni Amiel sa kanya. "Umalis e, hindi ko naman alam kung saan ang punta niya," wika niya. "Tinatago mo lang ata si Beauty sa akin e," saad nito sabay kuha ng kanyang pinalamnan na tinapay. "Wala naman akong dahilan para gawin iyon. Ang kaibigan ko na iyon, bata pa lang kami e mahilig na siyang gumala," banggit naman niya. "Eh bakit hindi ka sumama?" tanong naman ng lalaki na halos ubusin na ang palaman at tinapay. "Sa iyo pa lang ang dami ko ng panlalaig na naririnig, paano pa kaya kung sa maraming tao na," saad niya. Natahimik ang lalaki at bigla na lang siya na umalis. Dama niya na napatigil ang binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD