Episode 6

1021 Words
Isang ordinaryong araw na naman para kay Lovely. May pasok siya ngayon at bukas pa lang ang day-off niya. Ngayon e kailangan niya munang magtrabaho, at wala namang problema sa kanya performance sa nakaraang ilang Linggo na rin niyang pagtatrabaho. Maliban sa masaya siya sapagkat nakakasahod at nakakapagpadala na siya sa bahay ampunan. Nakakatuwa rin isipin na may mga naging bagong kaibigan na rin kasi siya. Masaya ang araw niya sa ganoon na sobrang simple na bagay, pero nababago nito ang pananaw niya sa mundo. May mga tao pala talaga na mabubuti at hindi tumitingin sa panglabas na itsura. Iyon ang isa sa mga bagay at dahilan kung bakit niya kailangan bumangon at lumaban. Maliban na lang sa isang dahilan. At speaking of the d. Nandito na nga ang lalaki na halos kada araw na lang niya na nakikita. Iniisip niya tuloy kung sadya ba talaga na trip ng binata na ito na madalas e nandito. "What?" masungit na bigkas sa kanya ng kanyang Sir. Chase. "Wala ho," simple na wika niya. Nang una e kabado pa talaga siya na sumasagot sa lalaki na halos palamunin na siya ng sandamakmak na mura. Pero ngayon na kahit papaano e nasanay na rin siya sa pakikitungo ng binata, wala na siyang gaanong kaba na nararamdaman. "Ha, now you can talk back," saad naman ng lalaki. Hindi na lang siya sumagot at saka na niya tinapos ang trabaho niya. Mamaya naman kasi e tutulong siya sa paglilinis ng kusina. Lumipas ang oras at nakatingin lang sa kanya ang lalaki. Hindi alam ni Lovely kung ano na nga ba ang tumatakbo sa isip ni Chase sa mga sandali na ito. Basta ang alam niya lang e hindi na siya nagiging komportable. "Hanggang kailan ka lang ba dito?" tanong ni Chase sa kanya na ikinagulat naman niya. "Bakit po ninyo natanong?" magalang at mahinahon na sagot niya. "Can you just f*****g answer me?" iritadong balik naman sa kanya ng lalaki. "Masama hong magmura," wika naman nito. "The hell! Who cares! I don't care too! Just damn answer me," wika ni Chase sa kanya. "What's happening here?" ani ng boss ni Lovely na kakapasok lang ngayon sa stockroom. "Wala, itong empleyado mo kasi, insan, masyadong mahina ang ulo," ani naman ni Chase kay Kurt. "Stop bullying my employee too, Chase. Wala ka bang gagawin ngayon? Stop bothering her, she is working, there is no reason for you to disturb her. "And how many times should I remind you that this place and my whole cafe is not your hiding place. Just reject her, simple," banggit ng boss ni Lovely sa lalaki na ito. "Kurt, sa maniwala ka man o sa hindi, I do, I did reject her many times, it is a mistake that I gave her a chance on a bed, and now she is chasing me like a f*****g psycho. Lahat ng lugar kaya niyang pasukan, maliban na lang sa lugar na ito, alam mo naman na takot na takot si Ruby sa iyo," ani naman ni Chase kay Kurt. Ngayon naman e nagtataka na lang talaga si Lovely sa mga nangyayari ngayon. "Fine, but don't bully my employee. Stop calling her names and bad adjectives just because you don't like Lovely, you have a reason now to hurt her with your words. Pinapasahuran ko siya, hindi ikaw," ani naman ng boss niya. Malaki ang pasasalamat niya na nagkaroon siya ng ganitong klase ng boss. Isang boss na mabait at ipagtatanggol ang isang katulad niya. Kaya naman sa pamamagitan ng pagtatrabaho ng maayos at mabuti. Umalis na si Chase, at ang kanyang amo at siya na lamang ang natira. "Are you okay? Ako na ang hihingi ng pasensya. Matigas lang talaga ang ulo ng pinsan ko na iyon. He has a lot of things on his plates, and he is on a very dire situation. I didn't say that what he is doing at you is right or should be tolerated at all, but rather, I hope that you can forgive him at this moment, next time na gawin niya pa ulit iyon sa iyo e ako na ang bahala sa kanya," wika naman ng kang Sir. Kurt. "Maraming salamat po talaga! Kahit na sanay na po ako, e masaya pa rin ako na pinagtatanggol niyo po ako," ani naman ni Lovely. "You are very much welcome, pero nandiyan na naman ang paggamit mo ng po sa akin. Kaunti na kaunti na lang talaga e maiisip ko na talaga na baka mukha na talaga akong matanda," saad ng kanyang boss. "Ha! Hindi lang ako sanay, Sir. Saka huwag niyong isipin iyon. Sobrang gwapo ninyo!" ani naman niya. "Inuuto mo na lang ata ako para hindi ko maisip na pangit ako e," ani naman ni Kurt sa kanya. "Sir..." "Biro lang, sige na at kailangan ko na ulit bumalik sa aking opisina. Kung sakali man na may kailangan ka, huwag kang mahihiya na magsabi," wika nito at saka na siya umalis. Hindi na nga niya napigilan pa na kiligin sa tagpo na iyon. Kahit na ilang beses na siyang nasampal ng katotohanan, nandoon pa rin naman iyung damdamin na nais niyang kiligin, sadyang may paghanga lang siya sa kanyang amo. Pero sinisigurado naman kasi ni Lovely na hanggang doon na lamang ito. Pumunta na si Lovely sa kusina upang simulan na ang kanyng lilinisan. Sarado lagi kasi ang shop sa tuwing sasapit ang Martes. Bale pahinga lahat ng mga empleyado ang araw na iyon. "Kumain ka na ba?" tanong sa kanya na Troy. Madalas na hindi palasalita ang barista at baker, pero masasabi na sobrang gwapo din niya "Tapusin ko na muna siguro ito," saad naman niya. "Tigilan mo na muna iyan. Kumain ka na muna rito," saad nito. Wala na siyang nagawa kaya naman nauna na siyang kumain. "Si Boss Kurt, ang bait niya ano?" saad bigla ni Lovely. "Mabait iyon, masama nga lang magalit," dahilan naman ni Troy sa kanya. "Eh paano naman si Sir. Chase?" tanong naman niya. "Kumain ka lang nang kumain diyan. But one this is for sure, stay away from that guy." Iyon ang huling bagay na nais niyang marinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD