Episode 5

1008 Words
"Uy, gising na, may trabaho pa tayo," ani naman ni Lovely sa kanyang kaibigan. Ang babae naman e mukhang asar na asar sa kanya. "Teh, hindi pa nga nagpaparamdam ang araw nanggigising ka na e. Nasaan na nga ulit ang hustisya?" wika ni Beauty sa kanya. "Mabuti na iyon, kahapon e muntik na tayong mahuli dahil nga sa bigat ng daloy ng trapiko. At saka kilala na kilala kita kahit na matagal tayo na hindi nagkita. Ang hirap mong alisin sa kama e," wika naman niya. "Sige na, sige na. Kahit kailan talaga, Lovely, daig mo pa ang manok sa umaga sa sobrang aga mong gumising, tara na nga!" saad nito sa kanya. Kapwa na sila naghanda upang pumasok sa shop. Nang papalabas na sila e sakto na nandoon na naman ang lalaki na lumait sa kanya. Hindi naman nila maiwasan ito dahil mukhang sila talaga ang inaabangan ng lalaki. "Akala ko ba, sa probinsya lang may maligno? Pati pala ngayon na sa Maynila meron na," asar nito sa kanya. "Hoy! Ikaw lalaki ka, tigilan mo itong kaibigan mo bago ko patigilin iyang paghinga mo sa mundo ha. Kung makalait ka naman diyan e akala mo sumasahod ka ng milyon, tambay na batugan! Kahit anong ganda mong lalaki, display ka lang!" bira naman ng kanyang kaibigan. "Beauty, tara na. Huwag mo na siyang patulan pa," wika naman ni Lovely. "Hindi pa tayo tapos," saad naman ni Amiel. Mabuti at nakasakay na sila sa jeep, supt na no Lovely ang kanyang face mask upang hindi maipakita ang kanyang itsura. "Nakakainis talaga ang lalaki na iyon kahit na kailan," saad naman nito. Naalala na naman tuloy ni Lovely qng nangyari kahapon. Habang nag-aayos kasi siya ng inventory sa stockroom e may biglang isang lalaki ang pumasok at kinandado ang pinutuan. Kung titingnan ng mabuti e para siyang nagtatago. "Sir, bawal ho talaga kayo rito e," saad ni Lovely. Kahit ang bata ay kayang basahin ang nakapaskil na only staff. "Bago ka lang ba rito? At saka anong klaseng mukha ba iyan? Ang creepy, hindi ko alam na tumatanggap na pala ngayon ng pangit ang pinsan ko!" Doon nga niya nakita na mukhang magkamag-anak nga sila ng kanyang boss. "Naku, pasensya na ho kung hindi ko alam. Lalabas na lang po ako," ani naman ni Lovely at akmang lalabas na siya nang pigilan siya ng gwapong lalaki. Ngayon niya lang napansin na maputi, matangkad, pulahan ang labi, matikas ang katawan at sadyang nililok ata sa pagka perpekto ang lalaki na ito. "Hey, what's your name?" tanong nito. "Lovely po," sagot naman niya. "Weird, you don't look lovely at all. Pero tanong ko lang sa iyo kung may isip ka ba? Kung lalabas ka diyan malalaman ni Ruby na nagtatago ako, I rather spend my time with an ugly woman than with the psychopath," ani naman ng lalaki. Sa isip ni Lovely ay masakit magsalita ang binata. Sana mahuli siya ng kanyang pinagtataguan. Hindi na lang siya pinansin ni Lovely at nagpatuloy na lang siya sa inventory. Matapos iyon e umalis din ang lalaki. Doon lang siya nakahinga ng maluwag. "SA wakas nandito na rin tayo, in fairness dahil maaga nga naman tayo e hindi tayo nagkaroon ng problema sa traffic. Siya nga pala, Lovely. Nabalitaan ko nga pala na kahapon, kasama mo raw sa iisang kwarto si Sir. Chase," wika ng kanyang kaibigan sa kanya. Naalala naman niya ang nangyari kahapon. "Ah, iyon bang pinsan ng boss natin?" kanyang tanong naman. "Mismo, ano? Kwento mo naman anong ganap," ani naman ng kaibigan niya. Hindi na nagbago sa pagiging dakilang tsismosa nito. "Kahapon, bigla na lang siyang nagpunta sa inventory natin. E akala ko kung sino, baka masamang loob na pala, kaya naman nilakasan ko na ang loob ko na paalisin siya," wika niya. "Bakla! Sa gwapo niyang iyon pagkakamalan mo siya na masamang loob?" hindi makapaniwala na wika sa kanya ni Beauty. "Pasensya naman kung ganoon. Ayon na nga, para siyang may tinataguan, Ruby ata ang pangalan sa aking pagkakatanda. Tapos wala na, maliban pala sa kada segundo e nakakatanggap ako ng lait sa kanya," kwento niya. "Huwag mo na lang dibdibin teh. Ang laki na nga ng joga mo e. Mamaya sumabog iyan," ani naman ni Beauty. "Grabe ka naman," sagot nito. Sa kusina muna sila para sa libreng almusal. Mamahaling cake at kape. Wala ng mas sasarap pa kaysa sa simulan ang araw niya na may ganitong klaseng mga tao. Ang hindi nga lang alam ni Lovely e mauulit na naman ang tagpo sa stockroom. Nandito na naman iyung pinsan ng kanyang boss. Hindi niya na lang pinansin, dahil hindi naman makakayaman ang pagtitig sa gwapong itsura ng laitero na lalaki na ito. Mamaya e matawag na naman siyang creepy. "Hey, hindi mo ba ako papansinin?" tanong nito sa kanya. Naguguluhan na tuloy si Lovely. Kapag pinansin ang lalaki, nagagalit. Ganoon din naman kapag hindi pinansin. Naguguluhan na tuloy siya kung saan nga ba siya lugar ngayon. "Sir? Sorry po at magtatrabaho lang ako rito," sagot naman niya. "You are not even bothered with my charm?" tanong ng lalaki sa kanya. Gwapo ito, sobra pa nga e. Pero baka makasuhan lang siya sa pagtitig sa lalaki na ito na nahamak na ata ang lahat sa kanya. "Gwapo ho kayo, pero hindi po ako nandito para tingnan iyon. Nandito po ako para magtrabaho," sagot niya. "Interesting. Are you just pretending?" tanong nito na mala tamang hinala. Agad naman niyang sinagot ang paratang ng lalaki. "Wala po akong rason para gawin iyon. Babalik na po ako sa trabaho," ani nito. Isang oras at umalis naman na ang lalaki. Nararamdaman na tuloy ni Lovely na oara bang dadalas pa ang pagkikita nila ng lalaki na iyon. Ayos naman sana... Sino ba naman ang ayaw na may makita na gwapo kada oras. Kaso ang problema e para bang hinusgahan na pati ang libag niya ng lalaki na iyon. "Magtrabaho na nga tayo, Lovely! Ang mahalaga e may trabaho at nakakatulong sa bahay ampunan. Huwag na lang pansinin," saad ni Lovely sa kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD