Episode 4

1015 Words
"Po? Hired na po ako? Seryoso po, walang biro?" tanong ni Lovely sa kanyang. Sadyang hindi lang siya makapaniwala. Kung iyung mga nasa probinsya nga na hindi kagwapuhan at kagandahan naman talaga, e kung laitin siya e parang nakagawa na siya ng pagkakasala, paano pa kaya ang janyang boss na mukhanv ginupit sa isang magazine ang itsura at kanyabg katawan. "I believe that I should see you how you will work with my eyes. Kaya sipagan mo Lovely, and hope I can help you and the orphanage by simply giving you a job, and at the same time I will donate from time to time. Para namamg naantig ang puso ni Lovely sa kanyang narinig. "Talaga po? Maraming-maraming salamat po! Hindi ko po makakalimutin ang araw na ito. Makakaasa kayo na pagbubutihan ko pa po ang aking pagtatrabaho rito," ani naman ni Lovely na hindi maitago ang kanyang saya. "Please don't po me. Mukha na ba akong matanda, Lovely?" tanong naman ng boss ni Lovely. Agad naman siyang umiling. "Naku, hindi po, este, hindi boss! Sa totoo nga niyan e ang gwapo po ninyo, sobra, panalo!" sabi niya na nagkakanda-utal na sa kanyang mga sasabihin. Natataranta na kasi siya kaya hindi na rin niya mawari kung ano na ba ang kanyang mga pinagsasabi. "Just kidding, you don't need to panic. You can start now, wala ka munang uniform, maybe three days siguro bago natin makuha ang uniform mo ha," ani naman ng kanyang boss. "Naku, wala pong kaso sa akin iyan!" masaya naman na sabi ni Lovely. Nakangiti naman na siyang lumabas sa opisina at pinuntahan si Beauty. "Tanggap na ako!" buong galak na balita niya. "Echusera ka. Saan ka ba masaya? Na natanggap ka, o baka naman dahil ang gwapo at bait ni boss? Naku ha," tudyo naman ni Beauty sa kanya. "Uy, baliw ka. Hindi, at hindi kailan man mangyayari iyon," ani naman niya. Kahit anong mangyari ay hindi niya aaminin na may kilig siyang nararamdaman hanggang sa mga oras na ito ng dahil sa bago niyang amo. "Ay, wow, the standard! Hindi naman kita ma-reach sa part na iyon. Kay gandang dalaga naman pala e!" tudyo naman ni Beauty. "Tara na nga, magtrabaho na kaya tayo para ayos na? Dami pang sinasabi e. Saka hindi kami bagay ni Boss, dahil una gwapo at pangalawa pangit ako," ani naman ni Lovely. Tanggap naman niya kahit na ano pa ang mangyari. Sa una e nahirapan muna si Lovely sa kanyang trabaho, pero sa tulong na rin ng kanyang mga kasamahan, nagagamay naman na niya ang mga nakaatang na responsibilidad sa kanya. Masaya siya sa unang araw niya ngayon. Nagulat siya sa presyo ng kape at mga bilihin dito sa totoo lang. Para lang talaga sa mga may kaya ang lugar na ito. Matapos nga ng kanilang trabaho e sabay na rin na umuwi si Beauty at Lovely. Sa kanilang pag-uwi ay bumili muna sila ng litsong manok, hindi pa nga gusto ni Lovely, sapagkat naalala niya ang mga bata sa bahay ampunan. Baka hindi pa sila nakakakain. "Ano ka ba! Nandoon sila sister, hindi nila papabayaan ang mga bata roon. Kaya naman huwag mong masyadong gini-guilty ang sarili mo ng bongga. Wala ka naman dapat ika-guilty diyan e. Sabunutan kita diyan," ani naman ni Lovely. Malapit na sana sila sa apartment nang may isang lalaki ang humarang sa kanila. Maputi, chinito, mapula ang pisngi dahil na rin siguro sa nakainom na ito. Langhap na langhap ba naman ni Lovely ang amoy chiko na amoy ng estranghero. "Pwede ba, excuse us?" mataray na sabi ni Beauty. Nagtaka naman si Lovely, kilala kasi niha ang kanyang kaibigan. Kahinaan niya ang mga gwapo at macho na lalaki. Kaya naman sobra ang kanyang pagtataka sa kung ano na nga na ang nangyayari ngayon. "Sungit mo naman! Parang hindi ka patay na patay sa akin noon ah? Dati may libre pa akong pulutan sa iyo," ani anman ng lalaki. "Che! Huwag mo ng ipaalala pa ang mga masasalimuot na nakaraan ko. Iyung magkagusto ako sa iyo? Isa iyong malaking pagkakamali, narinig mo ba? Now, get out of our way, gutom na gutom na kami, baka tadtadtarin kita diyan," matapang na sabi ng kanyang kaibigan. "Eh sino ba itong kasama mo? Mukha naman aswang," ani ng lalaki. Sanay naman siya, pero hindi rin maiwasan ni Lovely na masaktan kahit gaano pa siya kasanay na makarinig ng masasamang salita. "Pwede ba! Shut up ka na lang? At least siya hindi tambay! Get a life, magbanat ka naman ng buto," ani naman ni Lovely sabay hila sa akin papalayo na. Nang nakauwi na kami ay agad siyang humingi ng pasensya sa akin. "Sensya na friend. Nakabunggo pa tayo ng anak ni Lucifer. Iyung demonyo na Amiel na iyon. Kung gaano siya kagwapo, ganoon naman ang ugali niya. Hayaan mo na siya at huwag mo ng isipin pa ang mga sinabi ng ogag na iyon, okay?" "Ayos lang, sanay naman ako," ani niya sa kanya. "Ayon na nga ang mali, Lovely! Dapat hindi ka nasasanay na ganyan. Ikaw lang ba ang pangit sa mundo? Mas nakakapangit iyung wala kang tiwala sa sarili mo! Isampal mo nga sa kanya iyang joga mo na mataba at malaki. Siguro mahihilo iyon ng malala," ani naman ni Beauty sa kanya. "Baliw ka. Kain na nga tayo," aya na niya sabay kuha na ng plato. Nabili naman na sila ng kanin at pinagsaluhan ang kanilang hapunan. KINABUKASAN ay trabaho na naman si Lovely. Naiintindihan niya kung bakit hindi siya pwedeng lumabas. Baka isipin ng mga customer e maaga ang holloween, o kaya naman e may ghost prank na naman. Pero para kay Lovely ay kailangan na laban lang. Para sa pangarap niya sa probinsya. Sa puso niya ay nais niya lang naman na makatulong, wala ng hihigit pa. Habang naglilinis siya sa stock room ay buglang may pumasok sa stock room at sinarado ang pinto. "Sir bawal po ang hindi staff dito!" ani naman ni Lovely. Kinakabahan na siya at baka isang kriminal ang kasama niya ngayon. "Can you just f*****g shut up?!" iritadong saad ng isang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD