Episode 3

1018 Words
HINDI maipaliwanag ni Beauty ang nararamdaman niyang kaba ngayon. Mula sa ilang taon niyang nabubuhay sa mundong ito, hindi pa niya naranasan na magtrabaho sa labas ng bahay ampunan. Dala ng pangangailangan at kagustuhan niyang tumulong sa tahanan na kumupkop sa kanya, mas pipiliin niya pa na harapin ang mga pambabatikos at kutya na naghihintay sa kanya sa mundo na ito. Walang kahit na ano na makakapigil pa sa kanya, dahil sa tuwing nais niyang sumuko e naiisip niya ang mga bata, mga tao na sa iniwan niya na lugar upang matulungan. "Kaya mo iyan! Hindi mo naman kailangan na kabahan. Mababait lahat ng ka-work natin, kilala ko naman sila. Nakiusap ako sa boss ko na sana e sa kusina ka na lang nakatoka. Hindi naman sa inaano kita, my friend, pero malupit ang mundo, need talaga na pleasing ang mga magse-serve sa mga customer. Lalo pa at high end ang coffee shop na iyon," wika naman ni Beauty sa kanya. "Wala namang kaso sa akin iyon e. At saka tama ka naman. Maliban doon e mas gusto ko na sa kusina o sa hindi ako masyadong nakikita. Para na rin iwas sa kutya," sabi naman niya. Tanggap naman ni Lovely iyon. Maliit ang self-confidence niya, kaya naman mas maganda na nga na ganoon ang magiging sitwasyon ng kanyang trabaho. "Osiya sige, maya-maya pa e aalis na tayo. Tingnan mo muna kung nasaan na ang mga gamit mo ha? Kailangan kumpleto ang lahat," sabi naman ni Beauty sa kanya. Lahat maski ang kanyang resume, mga clearance na kailangan niya. Madalas kasi na pagkamalan na kung ano-ano si Lovely. Malamang dahil sa pangit nga niya na mukha, nilalait na ang buong pagkatao niya. Isa siya magnanakaw daw, mangkukulam, kumakain ng bata, panakot sa daga at marami pang iba. Minsan kahit na sanay na siya e hindi pa rin niya maiwasan na hindi magdamdam. Pumasok na sila sa loob at sa likod na sila dumaan. May tatlong tao roon, dalawang lalaki at isang babae. Bale mukha naman silang mabait sa paningin ni Lovely at wala naman sigurong magiging problema. Nakangiti naman sila at hindi naman sila mukhang may nangingilatis na tingin. "Ako nga pala si Roy!" sabi ng mestiso na lalaki. Mukhang mas bata sa kanya pero matangkad ito. Gwapo, at isa sa mga nasa labas kasama ni Beauty na nagse-serve sa mga customer. "Lina nga pala! Ang pangalawang Marites dito! Una siyempre si Beauty na may mas malakas na sagap," saad naman ni Lina sa kanya. "Troy nga pala," sabi ng seryosong lalaki. Moreno, matangkad, gwapo at may malaking pangangatawan. Hindi alam ni Lovely ngayon kung siya ba e dapat na matuwa sapagkat ang mga kasama niya ay sadyang mababait naman, o talagang kailangan niya muna na maisip na hindi ata siya kabilang dito. Dahil una sa lahat, lahat sila ay magaganda, siya lang ang naligaw. "Hello, ako nga pala si Lovely. Mukha lang akong ganito, pero mapagkakatiwalaan at mabait naman ako. Masipag, at kung may kailangan akong matutuhan ay sabihin lang sa akin ha. Sanay ako sa mga gawain noon pa man." Sipag na lang talaga ang kanyang puhunan. Sadyang para kay lovely, hindi na para sa kanya ang itsura niya na ganito. "Teh, alam ko na naman ang tumatakbo sa isip mo. Kami lang 'to. Hindi naman magbabago ang lasa ng mga cakes, cupcakes at kape rito dahil lang sa itsura mo, okay? Hindi iyon ganon kaya huwag at itigil ang negativity, hindi nakaka-fresh iyan, bagkus ang gawin natin e tulong tayo, ha, para kila sister at sa mga bata. Hindi ko na need ng anak siguro nito, sa dami nating mga kapatid na naiwan sa bahay ampunan," sabi naman ni Beauty sa kanya. Naniniwala din naman siya sa bagay na iyon. Masarap makatulong, lalo na at alam ni Lovely na sa gagawin niya e unang hakbang ito upang iligtas ang nanganganib nilang tahanan. "Tama si Beauty, Lovely. Alam namin ang sitwasyon mo, ninyo. At saka hindi naman kami ganoon dito. What is beauty if you talk dirty," ani naman ni Lina sabay tawa. "Puro kayo kalokohan," ani naman ni Troy sa amin. "Pagpasensyahan mo na sila. Magtrabaho lang tayo, walang kaso sa akin kahit ano ka pa." Mainit ang pagtanggap nilang lahat sa kanya, bagay na nagpapakilig sa kanya, bagay na nagbibigay sa kanya ng inspiration para magpatuloy pa. Hangad ni Lovely ng magandang simula para sa kanyang pagnanais. "Teh, nandiyan na pala si boss Kurt, hanap ka na," wika ni Beauty sa kanya kaya naman bumalik na naman ang kabog ng kanyang dibdib. Wala siyang masama dahil sobra pa sa sobra ang kaba na kanyang nadarama. "Natatakot ako, Beauty. Baka mamaya kapag nakita ako sa personal ng boss ninyo, magbago bigla ang isip niya at hindi na ako tanggapin," saad ni Lovely na nasa mukha naman talaga niya ang pag-aalala niya. "Teh, hindi naman ganoon ang boss natin. Mabait iyon hindi katulad ng pinsan niya na bipolar. Minsan seryoso, minsan naman babaero, pabago-bago ba naman ang ugali e. Pero tara na nga, hindi iyon aatras teh. Saka kahit naman makita ka niya sa personal wala naman bago. Hindi ka rin naman photogenic," saad ni Beauty sa kanya. "Aray naman," reklamo ni Lovely na pabiro. "Eme lang naman iyon ateng. Tara na para naman mahusgahan ka na ni boss," ani pa ni Beauty sa kanya. "Mas lalo mo pa niyan akong pinapakaba e," reklamo niya. Para bang martsa ng kamatayan ang ginagawa ni Lovely. Nasa harapan na siya ng opisina sa ikalawnag palapag. Kumatok muna siya bago buksan ang pinto. Malinis sa loob, amoy pabango ng lalaki. Hindi rin siya makapaniwala kung ano ba naman kasi ang kinagwapo ng kanyang boss sa picture e mas doble pa sa personal. "Please, have a seat," sabi ng lalaki sa baritono na boses. Hindi siya agad nakagalaw, kung hindi lang siya tinawag agad. Unang ganap pa lang ni Lovely e napahiya na siya ng sarili niya. "I am Kurt Jimenez, owner of this shop, I want to say that you are hired," sabi ng lalaki sa kanya. Siya naman e nagulat. Hindi man lang tinanong ng kung ano-ano pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD