Episode 2

1158 Words
PUMASOK na si Lovely sa opisina ni Sister Elena, ang madre superyora ng bahay ampunan. Buo na ang kaniyang desisyon, lalo pa at sa ibinalita ng kanyang kaibigan na si Beauty na nakahanda na ang trabahong naghihintay sa kanya sa Makati. “Umupo ka, hija,” aya sa kanya ng nakatatandang madre. Narito lahat ng madre sa opisina at makikinig sa kanyang importante na sasabihin. “Maraming salamat po.” “Ano nga ba ang nais mong sabihin, Lovely?” tanong sa kanya ni Sister Melissa. Napayuko naman siya at hindi mapakali. Mabigat sa loob niya ang kanyang desisyon. Natatakot din siya sa kakaharapin niya, ngunit ganoon nga yata talaga. Kailangan niyang isalba o kahit makatulong man lang sa gastusin dito. “Kasi po, nais ko na pong magpaalam. Luluwas po ako upang magtrabaho,” wika niya sa wakas. Lahat ng nasa kwarto ay nagulat sa kanyang isiniwalat. “Sigurado ka ba sa desisyon mo na iyan, Lovely? May nangyari ba at bigla na lang ang desisyon mo sa iyong pag-alis?” tanong naman ni Sister Anna. Umiling naman siya. “Wala po akong masabi sa pagpapatuloy niyo po sa akin dito. Naging tahanan ko po ito sa loob ng dalawampu’t limang taon, kaya nais ko naman pong mag-give back sa tulong na ibinigay ho ninyo.” Nagsalita naman si Sister Elena sa kanya. “Hija, hindi mo responsibilidad na tumulong. Sapat na ang mga ginagawa mong pagtulong dito. Bakit mo pa ba kailangan umalis at magtrabaho?” Sa huli ay sinabi rin niya ang dahilan. “Masama man pong makinig sa usapan ng iba, pero po kasi ay aksidente ko pong narinig ang pag-uusap ninyo ni Sister Anna. Wala na pong sapat na pera ang bahay ampunan, at baka po magsara na ito. Ayaw ko pong mangyari iyon. Gagawa at gagawa po ako ng paraan para makatulong na manatili po itong tahanan na ito,” saad niya habang naluluha. Niyakap naman siya ng mga madre. “Napakabuti ng puso at hangarin mo. Ngunit handa ka na nga ba? Hindi mabait ang mundo, Lovely. Marami kang makakasalamuhang tao na may masamang hangarin at dila.” “Kaya ko na po. Mas gugustuhin ko pong masaktan, ngunit nakakatulong naman ho rito, kaysa makita na mawala po itong bahay ampunan.” Sa huli ay napapayag niya rin ang mga madre na narito. Hindi niya rin isinikreto sa mga bata ang kanyang napipintong pag-alis. Marami ang nalungkot, ang iba ay pinipigilan pa siya. Lalo na si Jamie at Buboy na siyang pinakamalapit sa kanya. “Huwag na po kayong umalis, Ate Lovely. Babawasan ko na po talaga ang kakainin ko,” hagulgol ng batang si Buboy. Niyakap naman ni Lovely ang mabilog na batang lalaki. “Buboy, para rin sa inyo ito. Maiintindihan niyo rin kung bakit aalis sandali si Ate Lovely ninyo. Hindi naman ako mawawala at dadalaw at madalas din akong tatawag! Huwag ka ng malungkot.” “Pero wala na pong magtatanggol sa ‘yo, Ate.” “Strong ang ate ninyo. Kaya ko na. Para sa inyo ay wala akong hindi kakayanin.” “Basta po ‘yong chocolate ko, ah?” Natawa na lang si Lovely. “Ikaw talaga.” Pumunta naman si Lovely sa kwarto ng mga bata. Malaking kwarto na may sampung kama na double deck. Babae lahat ang narito, at nasa dulo ang kama ni Jamie. Naglabas ng malalim na buntong hininga si Lovely. Nagtatampo na naman marahil ang kanyang alaga. “Jamie,” bulong niya habang papaupo siya sa kama ng bata. Nakabalot pa rin ng kumot ang buong katawan ng nagtatampong babae. “Umalis ka na, Ate. Aalis ka rin naman po, e. Iiwan mo na kami.” Nasaktan din siya sa sinabi ni Jamie. Ayaw niya rin naman ng ganito. Isang paraiso ang bahay ampunan para kay Lovely. Ngunit hindi magiging ganoon na lamang ito kung mananatili na lamang siya rito. “Jamie, ayaw din naman ni Ate na umalis, e. Kailangan ko na talagang magtrabaho. Kung hindi ay mawawala sa atin ang bahay na ito. Magtiwala ka na lang kay Ate.” Yumakap na sa kanya sa wakas ang bata. “Basta mag-iingat ka roon, Ate. At saka kapag may boyfriend ka na po, ipakilala mo sa akin, ah?” Natawa naman si Lovely sa sinabi ng bata. “Ano ba ‘yan?! Hindi pa pala tapos ang topic na ‘yan.” “Siyempre, Ate Lovely!” KINABUKASAN ay maaga pa lang pero nakagising na siya. Nakaayos na ang kanyang gamit at oras na upang panandalian siyang magpapaalam sa tahanang umaruga sa kanya sa loob ng mahabang mga taon. “Mag-iingat ka roon, Lovely. Mabait ang Diyos at gagabayan ka niya,” wika ni Sister Elena. Nasa paradahan na sila ng bus kasama pa ang ibang mga madre. Sa huling sandali ay yumakap na si Lovely sa mga naging ina niya sa mahabang panahon. “Maraming salamat po.” Pumasok na siya sa loob ng bus. Agad na naramdaman ni Lovely ang mapanghusgang tingin ng mga tao. Mga bakanteng upuan na nilalagyan ng bag upang hindi siya makatabi. “Kailangan kong masanay, hindi talaga mabait ang mundo. Laging bibigyan tayo ng Panginoon ng pagsubok.” Sa huli at sa dulo na lang siya umupo. Hindi na niya pinansin ang panglalait na naririnig niya. Ipinagdasal na lamang niya ang kanilang buhay. Mahaba ang biyahe at kinakain na lang siya ng lungkot. Nais niyang bumalik sa orphanage. Natatakot na siya at hindi na alam ang gagawin. Ngunit nandito na siya. Wala na siyang magagawa pa. Ang sakripisyo niya ay makakatulong kahit papaano sa orphanage. “Lovely!” Sigaw ng pamilyar na boses. Si Beauty ito. Literal na maganda ang kababata niya. Chinita at matangkad. Kaya hindi nakapagtataka na maraming biyaya sa buhay nito. Ang alam niya ay patapos na rin ito sa pagiging college student. Scholar habang siya ay hindi nakapag-aral ng pormal. Tanging sa mga madre lamang. “Beauty! Mabuti nandito ka na.” Kanina pa kasi nagugulumihan si Lovely. Hindi na niya nakakayanan ang pandidiring tingin sa kanya ng mga taong dumadaan sa kanya sa babaan ng bus. “Pasensya ka na kung ngayon lang ako. Ang tagal ng kapalitan ko sa trabaho! Halika na at para makauwi na tayo.” Sakay ang motor na pampasahero ay nakatira sa isang apartment ang kababata niya. Sakto na may dalawang kwarto. “Salamat talaga, ha? Ayos lang ba talaga sa boss mo na papasok ako? Sinabi mo naman sa kanya ‘yong alam mo na, itsura ko.” “Ayan ka na naman sa feslak mo, e! Huwag kang masyadong ma-down! Mabait si Boss Mason! Talagang oks na oks sa kanya. Nakita niya na rin picture mo.” Ipinakita pa sa kanya ni Beauty ang picture ng magiging boss niya. Literal na laglag ang panga ni Lovely nang makita niyang ubod ng gwapo at macho ang magiging boss niya. “Yummy, ano?” Napa-sign of the cross na lang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD