NAPATINGIN si Camilla sa gawi ng pinto sa penthouse ni Ford Dean ng marinig niya ang pagtunog ng doorbell. Saglit siyang napatitig doon hanggang sa napasukyap din siya kay Ford Dean. Napansin niyang wala na ang atensiyon nito sa harap ni Hilario, napansin niyang nakatingin na din ito sa gawi ng pinto. Napansin nga din niya ang bahagyang pagsasalubong ng kilay nito. Base sa reaksiyon nito ay mukhang nagtataka din ito kung sino ang nasa labas ng penthouse nito, wala kasi itong inaasahan na bisita. Well, kung bibisita naman ang pamilya nito ay ini-inform si Ford Dean o hindi kaya ay tinatawagan siya. Pero ngayon, ay hindi sila na-inform ng pamilya nito na bibisita. Kaya wala silang ideya na dalawa. Muli niyang narinig ang pagtunog ng doorbell. At sa pagkakataong iyon ay doon lang naman kum

