YU'ER
"What do you mean sa nagseselos, Rio? Nanghihingi ako nang paliwanag sa iyo basi sa nakita kong larawan ninyong dalawa ni Zane."
Binitawan niya ako at sinuklay ang kanyang magulong buhok. "Don't you trust me?" saad niya habang nakatingin sa aking mga mata.
"Can I trust you?" balik ko naman kaagad sa kanya. Tama nga ako hindi ito nakapagsalita kaagad, sigurado akong may tinatago ito sa akin o may gusto itong sabihin ngunit hindi niya maatim na ipaalam. "Rio, I don't care if you want Zane back kasi sinira ko lang naman talaga ang relasyon niyong dalawa. Ang akin lang ay ipaalam mo muna sa akin kung lalayo ka na."
Ang kaninang nakaiwas niyang tingin ay kaagad na ibinalik sa aking mga mata. Hinuli nito ang aking kamay at dinala sa kanyang dibdib, kaya ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.
"Wala akong balak na makipagbalikan kay Zane, Yu'er, ikaw lang ang gusto ko. Ipapaliwanag ko ang larawan na nakita mo, okay? Huwag kang makipaghiwalay sa akin," kinakabahan niyang saad. Nagkibit-balikat lamang ako at umupo sa dulo ng kama.
Sumunod din naman ito sa akin at tinabihan ako. "Wala akong intensyon na halikan si Zane. Lalapit sana ito sa akin nang bigla siyang matalisod hindi ko rin inaasahan na magtatama ang aming labi nang sinubukan ko siyang saluhin. I am really sorry, Yu'er."
Tiningnan ko siya nang mabuti para alamin kung nagsasabi ba ito ng totoo. "I'm sorry kung hindi pa kita mapagkakatiwalaan ng lubos. Ilang taon akong naghabol sa iyo dati at pinagtatambuyan mo ako, tapos bigla mong sinabi na may gusto ka sa akin. I really don't know if your love is true or you only want to see me suffer."
"Alam ko. Mahirap na tanggapin kaagad ako lalo na at marami akong nagawang kasalanan sa iyo, Yu'er, marami rin akong mga masasamang salita na nabitiw sa iyo. Pero tandaan mo na hindi ako susuko at sisikapin ko na maging mabuting ama at future husband mo, wife."
"Gusto mo bang mapatawad kita sa ginawa mo?" Kumislap ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin sabay tango.
"Ipagluto mo ako," malapad ang ngiting saad ko. Tumayo naman siya at kaagad akong inalalayan para makatayo rin. "Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ba at gusto mong ipagluto kita?" Nagkamot ako sa aking noo at tiningnan ang oras sa relong nakasabit sa may pader. "Nagbago na ba ang isip mo?"
"Hindi naman ngayon ang ibig kong sabihin, Rio, tingnan mo nga ang oras. Gabing-gabi na hindi na tayo matutunawan n'yan."
Napakamot siya sa kanyang batok at tumango. Kinuha ko naman ang gatas na inilagay nito sa side table kanina at ininom iyon.
"Hindi ka pa ba uuwi?" baling ko sa kanya nang nanatili pa rin itong nakatayo.
"Pwede ba na dito na lang muna ako matulog? " mahina ang boses na tanong niya. Ginulo ko ang kanyang buhok sabay iling dito.
"May kasalanan ka sa akin kaya hindi. Umuwi ka na sa bahay mo, Rio," seryoso kong turan. Wala akong balak na patulugin ito sa kwarto ko lalo na at naiisip ko pa rin ang halikan nilang dalawa ni Zane. "Ayaw kong matulog na stress dahil sa pag-iisip ng halikan ninyo ni Zane."
Nagseselos naman talaga ako sa kanila. Hindi ko lang maamin dahil ayaw kong ipakita na mahina nga si Yu'er.
Nang maubos ko ang gatas ay kaagad ko siyang hinila palabas ng kwarto ko, para sabay na kaming bumaba pagkabalik ko ng baso sa kusina.
"Susunduin ba kita bukas dito?" tanong niya nang nasa hagdan na kaming dalawa. Nasa ikalawang palapag ako ng kwarto kaya naisipan namin ni mama at daddy na kapag may kalakihan na ang aking tiyan ay sa baba na lang nila ilalagay ang kwarto ko para hindi na mahirapan. "Yu'er?"
"Huwag na. Magpapahatid na lang ako kay Kuya Sik."
Papasok na sana kami sa kusina nang makita namin sila mama sa sofa. Malapad ang mga ngiti nila habang nakatingin sa aming dalawa ni Rio.
"Halika kayo rito," tawag ni mama sa amin. Tiningnan ko si Rio at kinunotan ito ng noo.
"Huwag na po, ma, uuwi na po si Rio dahil gabi na. Hindi ba, by?"
Nilingon muna ako ni Rio bago ibinaling ang tingin sa kanila mama. "Sorry po, tita, gabi na po kasi kaya kailangan ko na pong umuwi. Bibisita na lang po ako ulit dito—"
"Dito ka na lang matulog, hijo, malapit nang maghating-gabi kaya alam kong inaantok ka na delikado pa naman sa daan."
"Daddy, naman! Ayaw ko pong makita ang pagmumukha ng lalaking 'to," nakasimangot kong sambit.
Sabay-sabay naman silang napatingin sa akin. Si Rio na malungkot akong tiningnan, si mommy naman na natatawa at si daddy na kumunot na ang noo.
"May ginawa ka na naman bang kasalanan sa anak ko, Rio?" Kaagad naman na tinaas ni Rio ang kanyang kamay ikinumpas ito na wala. "Anong ginawang kasalanan ng lalaking ito sa iyo, anak?"
Tinampal naman kaagad ni mama ang balikat ni daddy na nakapagpatigil dito sa pagtingin nang masama sa lalaking nasa tabi ko.
"Ano ka ba naman. Naglilihi iyang, anak, mo kaya ayaw niyang makita ang pagmumukha ni Rio. Hindi ba at ganoon din ako dati sa iyo?"
"Iyon ba iyong time na kahit amuyin ako ay hindi mo magawa?" Malakas na tumawa si mommy at tumango. Napabuntong-hininga ako nang magsimula na silang mag-usap tungkol sa nakaraan nila.
"Ma, aalis na po—"
"Yu'er, hayaan mo nang matulog dito ang mapapangasawa mo. Huwag kang mag-alala dahil sa guest room naman siya matutulog." I sighed and nodded my head. Wala na naman akong magagawa sa desisyon nito, ilang beses na ba kaming nagpapalitan ng opinyon ngunit siya pa rin naman ang masusunod. "Sige na ilagay niyo na 'yan sa kusina at bumalik na kayo sa taas para makapagpahinga na."
Sinunod ko naman kaagad ito at pumunta na nga sa kusina kasama si Rio na may malapad na ngisi sa labi.
Nasa guest room na si Rio at nandito na rin ako sa kwarto ko. Kanina pa ako nakatihaya at nakatingin sa ceiling ngunit hindi pa rin ako makatulog.
Napatayo ako sa aking kama nang biglang may kumatok. Hindi ko na sinilip kung sino iyon at pinagbuksan na lang ito ng pinto. Nanlalaki ang aking mga mata nang makita roon si Rio.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Hindi ako makatulog kakaisip sa iyo, wife."
"Anong ibig mong sabihin—" Hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin nang inangkin niya ang aking labi. F*ck!