Chapter 49:

1035 Words
YU'ER "Ngayong gabi ay may pagtitipon para mapag-usapan natin ang tungkol sa nawawalang magical orb. Alam naman nating lahat na iyon ang pinaka-importante sa buong angkan," wika ng may matandang babae. Sabi nila ito raw ang head witch na kinatatakutan ng lahat dahil sa kapangyarihan nito. Maamo ang mukha nito, ngunit ang awra nito ay malayong-malayo sa itsura niya. Iyong tipong kapag nakasalubong mo siya ay mapapayuko ka sa presensya nito. "Kung sino man ang kumuha ng orb ay ibalik mo na iyon sa kinalalagyan at tanggapin ang parusa." Nagkatinginan ang lahat sa mga katabi nila at nagbubulong-bulongan. "Hindi ko talaga maintindihan kung bakit pati ang orb ay pinapakialaman. Hindi ba at nasa libro iyon na bawal iyong hawakan ng normal witch?" rinig kong sabi ng babaeng nasa unahan lang namin nila mama. Napabuntong-hininga ako at inikot ang aking mata sa kabuuan ng bulwagang iyon. Nakita ko si Grace na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin. Maraming tao rin ang mga naroroon dahil maski ang mga maliit na bata ay kasama ng mga magulang nila. "Ma, ano po ang mangyayari kapag hindi na po mahahanap ang orb na iyon?" tanong ko kay mama nang mag-ingay ang mga tao dahil sa tsismisan ng mga iyo.  Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila tumatahimik. Nagbabangayan pa rin kung sino nga ba ang nagnakaw no'n.  "Kapag nagtagal at hindi iyon mahahanap, anak, ay magkakaroon ng war ang buong angkan kaya hindi iyon dapat na mawala." Natigilan ako sa sinabi ni mama. Kung ganoon ay ang bigat pala ng problemang kinasasangkutan ni Yu'er kung siya nga ang kumuha no'n. Pero hindi pa rin ako naniniwala na siya nga ang gumawa no'n. Itinaas ko ang aking kamay kaya lahat ay napatingin sa akin. Nakita ko ang malademonyong ngisi ni Grace kaya kaagad akong napailing. "Ikaw? Ikaw ba ang kumuha ng orb?" Nanggagalaiti niyang sigaw sa akin. Napabuntong-hininga ako at ibinaba ang aking kamay bago pinagmasdan ang mga taong hinuhusgahan ako ng tinhin. "Isauli mo na ang orb kung ayaw mong masaktan." "Yu'er," wika ni mama.  "That was rude, ma'am, itinaas ko ang aking kamay dahil may itatanong ako sa inyo." Natigil ang lahat sa pagbulong-bulongan at tiningnan ako na tila ba isa akong baliw, dahil sa aking sinabi sa head witch. "Ano iyon," walang bahid na tuwang tanong niyang sa akin. "Sa laki ng headquarters na ito impossible na wala kayong cctv sa mga lugar. Natingnan niyo na po ba iyon?" Hindi ito nakaimik at tiningnan ang mga kasamahan niya na nasa entablado rin. Tumaas ang sulok ng aking labi nang makita si Red doon. Ibig sabihin lang ay nasa mataas din siyang posisyon. Iniisip ko tuloy na nilapitan niya ba ako kanina para alamin kung ako nga ba ang kumuha ng magical orb. Napailing ako at muling ibinalik ang tingin sa matanda. "Walang makikita sa cctv dahil nasira rin iyon nang araw na nangyari ang lahat." Nagkibit-balikat ako at bumalik sa pagkakaupo nang marinig ang sagot nito. Kung ganoon nga ang nangyari ay wala na akong magagawa roon. "Anak, bakit ka naman nagsalita nang ganoon sa harap ng head witch. Natatakot ako kung ano ang mangyayari sa iyo." Ngumiti ako kay mama at inabot ang kanyang kamay para mapanatag ito. "Kailangan ko po iyong sabihin dahil pinagbibintangan po nila ako, mama. Kailangan ko pong ipagtanggol ang sarili ko kung hindi ay ipipitin nila ako hanggang sa magsalita ako ng bagay na hindi ko naman ginawa." Nakakaintindi namang hinaplos ni mama ang aking kamay at tumango. "Huwag kang mag-alala, ma. Walang makakapanakit sa akin." NATAPOS ang pagtitipon na hindi pa rin nalalaman kung sino ang mga taong nasa likod nang pagnanakaw. Wala ring kahit anong plano para hulihin iyon, nakapagtataka lang na hahanapin daw nila pero parang wala namang balak kumilos ang mga nakakataas. Sa tingin ko ay balak din nila na mawala ang orb para magkaroon ng kaguluhan. Kung si Yu'er ang kumuha no'n may alam kaya siya sa mga pangyayaring 'to? Katulad nang nangyari kay Rio at Zane may dahilan din ito kung bakit niya pinipilit ang sarili kay Rio. Kailangan kong malaman kung si Yu'er nga ba talaga ang kumuha ng orb na iyon.  Tumayo ako sa kama nang may kumatok sa aking pinto. "Sino iyan?" tanong ko bago labasin iyon. "Anak, ako ito ibibigay ko lang itong gatas para makatulog ka." Mabilis kong pinuntahan ang pintuan at pinagbuksan si mama. Nanlalaki ang aking mga mata nang hindi lang si mama ang nabungaran ko. Nasa tabi nito si Rio na may seryosong reaksyon sa mukha. Anong ginagawa niya rito?  "Ma, ako na lang po ang bahala rito. May gusto rin po akong klaruhin kay Yu'er." Tiningnan muna ako ni mama bago tumango at nagpaalam na sa amin. Bumalik na rin ako sa loob at hinayaan si Rio na magsarado ng pinto. "Gabi na, ah, bakit ka narito? Hindi ba at sabi mo bukas na lang tayo magkita?" "Hindi mo ako kinakausap nang maayos may problema ka ba sa akin? May nagawa ba akong mali o may nasabi ba akong hindi tama? " sunod-sunod na tanong niya sa akin. "Rio, ang dami kong iniisip dumagdag ka pa. Pwede naman nating itong pag-usapan bukas! " inis kong turan. "Hindi ko ipagpapabukas ang kaya ko namang gawin ngayon. Tinatanong kita, Yu'er, kung may nagawa ba akong kasalanan sa iyo?" Hindi ko na nga siguro maipagpapabukas ang problemang ito sa sobrang pursigido ni Rio. Naglakad ako papunta sa side table at kinuha ang cellphone roon. Inilahad ko iyon sa kanya para ipakita ang litrato nila ni Zane na magkayakap. "Anong ibig sabihin nito, Rio? Akala ko ba busy ka sa pag-aaral mo? Nagkabalikan na ba kayong dalawa?" "Yu'er, walang ibig sabihin ang yakap na iyan—" Napangisi ako at may hinanap sa cellphone at muli iyong ibinigay sa kanya. "Wala naman talagang ibig sabihin ang yakap sa iyo pero paano naman ang halikan na ito, Rio? Nagustuhan mo ba? Naiisip mo na naman ba ang nakaraan ninyong dalawa? Ang galing, ah! Ang dami mong pangako sa akin pero kung makahalik ka sa ex mo—" Hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin nang hinapit nito ang aking bewang at inilapit ako sa kanyang katawan.  "Are you jealous, wife?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD