Chapter 43:

1015 Words
YU'ER "Ilang beses ka na bang napabuntong-hininga r'yan, wifey? Anong problema mo?" biglang tanong sa akin ni Rio. Napalingon ako sa kanya at umiling, ngunit kaagad din nitong hinawakan ang aking mukha at inilapit iyon sa kanya. Nasa may rooftop kami ngayon dahil pareho kaming walang pasok sa susunod na mga oras. Kaming dalawa lang din ang naririto kasi class hours pa nga. "Alam kong may problema ka. Iyong mukha mo ang nagsasabi sa akin na kailangan kitang tanungin at alamin kung ano ang gumugulo ngayon sa isipan mo." Hinawakan ko ang kanyang kamay na nakahawak sa aking mukha at malungkot itong nginitian. "Sa tingin mo ba ay may patutunguhan itong relasyon natin? Hindi ko kasi alam kung magtatagal ba tayo kung inagaw lang naman kita kay Zane?" Hindi ito kaagad nakasagot kaya marahan kong pinisil ang kanyang kamay. "Alam kong nagdududa ka pa rin dahil nagtagal kami ni Zane at nalaman ng lahat ang tungkol sa relasyon namin." Tumango ako sa sinabi niya dahil iyon naman ang totoo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na mahal na nga niya ako. Paano nangyari iyon kung noon pa man ay kinamumuhian niya si Yu'er? Kaunti lang naman ang nagbago sa katauhan ni Yu'er imposible naman na dahil sa pagbabagong iyon ay nahulog siya. "Bakit mo nga ba ako minahal, Rio? Wala ka na ba talagang nararamdaman para kay Zane?" Sa totoo lang kahit hindi ko pa sigurado ang nararamdaman ko para sa kanya ay kinakabahan pa rin ako sa isasagot nito. "Paano kung gusto ka niyang balikan?" "Aaminin kong hindi pa rin nawawala nang lubusan ang pag-ibig ko sa kanya. Naiintindihan mo naman ako 'di ba? Matagal din kaming nagsama kaya hindi madaling kalaimutan iyon, pero..." Napatiim-bagang ako habang hinihintay ang kasunod niyang sasabihin. Hinihiniling ko lang na hindi ako masasaktan dahil sa sinasabi nito. "Hindi na ako babalik sa kanya, Yu'er. Mananatili na ako rito sa tabi ninyong dalawa ni baby. Tandaan mo iyan, okay?" Dahil ba sa baby na ito kaya niya binalak na manatili sa tabi ko? Itatanong ko sana iyon sa kanya nang tumunog ang cellphone nito. Hindi niya sana iyon sasagutin nang ininguso ko iyon sa kanya para udyukin itong sagutin ito.  "Si Zane," pagbibigay-alam niya sa akin tila ba nanghihingi ng permiso sa dapat nitong gawin. Ayaw kong pagbawalan si Rio sa bagay na kaya naman niyang kontrolin. "Sagutin mo na baka may importanteng sasabihin." Tumango siya at pinindor ang answer button. Tumayo ako para lumayo sana sa kanya at baka maka-istorbo ako nang bigla niyang hinila ang aking kamay papalapit sa kanya at pinabalik ako sa kanyang tabi. "Bakit?" mahina kong saad na halos walang tunog ns ang sking pananalita. "Dito ka lang sa tabi ko habang sinasagot ko ang tawag nito at baka—" Marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi na nakapagpatigil sa kanya. "I trust you, by, iinom lang ako ng juice at babalik din ako kaagad." Tiningnan niya ako sa mga mata kaya kaagad ko siyang nginitian. "Rio?" Rinig kong tawag ni Zane rito.  Naka-loudspeaker iyon kaya rinig ko pa rin ang sinasabi ni Zane. Napailing ako sa ginaws ni Rio ngunit hindi ko na siya sinaway dahil gusto ko rin naman na marinig ang kanilang pinag-uusapan. "Bakit ka napatawag, Zane?" tanong nito. Iniwan ko muna ito at kumuha juice bago bumalik dito. "May oras ka ba na libre? Pwede ba kitang makausap nang tayo lang dalawa?" Iyon kaagad ang aking narinig pagkabalik na pagkabalik ko. Tiningnan ako ni Rio kaya kaagad ko ring iniwas ang aking paningin. Siya dapat ang magde-desisyon sa bagay na iyan at hindi ako.   "Hindi ako pwedeng—" "Huwag mo naman ako iwan sa ere, Rio, kailangan ko rin naman ng closure. Hindi porke't nakahanap ka ng ibang babae na nakapagpapasaya sa iyo ay hahayaan mo na lang ako sa madilim nang mag-isa? Hindi dapat ganoon, Rio!" inis nitong bulyaw sa huli.  "Hindi ako ang unang nang-iwan sa atin, Zane, tandaan mo iyan. Iniwan mo rin ako noon kahit nagpapaliwanag ako ng mga nagawa kong kasalanan." Napatalikod ako nang marinig ang sinabing iyon ni Rio. Hinawakan ko ang aking dibdib nang sumakit iyon. Nasasaktan ako sinabi nito kay Zane, pakiramdam ko kasi ay hanggang ngayon ay hindi pa rin ito maka-move on kay Zane. May galit pa rin sa boses nito habang sinasabi na iniwan siya ng una. Hindi ba at ganoon naman talaga ang mga nagmamahal? Hanggat hindi sila nakakamove-on ay isusumbat nila ng paulit-ulit ang dahilan kung bakit kayo naghiwalay o di kaya'y magagalit sa ex-partner kung bakit hindi nagwork-out ang relasyon nila.  "Rio, please, alam kong galit ka sa akin at ayaw mo na akong makita pero may gusto akong sabihin sa iyong importante." "Bakit hindi mo na lang sabihin sa akin ngayon? Bakit kailangan pa nating—" Hinawakan ko ang kanyang kamay dahilan para matigil ito sa pagsasalita at tingnan ako sa mukha. "May kailangan ka, wifey?" mahinahon nitong baling sa akin. Narinig ko ang pagtikhim ni Zane sa kabilang linya kaya sa tingin ko ay narinig nito iyon. Lumapit ako sa kanya para ibulong ang sasabihin ko. "Calm down. Babae pa rin iyan, by, babaeng minahal at hinangaan mo rin dati. " Lumayo ako sa kanya kaya malaya kaming nagkatitigan na dalawa. Nang hindi pa rin maipinta ang itsura nito ay nginitian ko siya at marahang pinisil ang kanyang mukha at pinangiti ito. "Smile ka dahil mas lalo kang gumagwapo sa paningin ko kapag nakangiti ka." Ngumiti naman ito kaagad at hinuli ang kamay komg nakahawak sa kanya at dinala iyon sa kanyang. Hindi na ako nagulat dahil gawain na rin naman niya iyon. "Balik ka na sa katawagan mo. Naghihintay sa iyo iyan," wika ko dahil hindi pa rin naman pinapatay ni Zane ang tawag. "Zane, sabihin mo na lang—" "So tama ang hinala ng mga tao sa inyo?" nanggagalaiti na saad ni Zane. Ngunit hindi ko mawari kung bakit sobrang-sobra ang galit nito. "Hindi kita maintindihan, Zane, anong pinagsasabi mo?" "Kayo na ba ni Yu'er? Pinagpalit mo ba ako dahil sa babaeng iyon?" puno nanggigil niyang tanong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD