Chapter 44:

1056 Words
YU'ER Dati pinangako ko sa sarili ko na hindi ako magiging third party sa relasyon ng iba. Ayaw kong maging hadlang sa kasiyahan at pagmamahalan nila na kahit sobra-sobra ang pagmamahal ko sa isang lalaki ay manatili pa rin ako sa prinsipyo ko. Pero ngayong nasa sitwasyon na ako na'to. Bakit ba Kay hirap sundin ng mga salitang binitawan at pinangako ko? Bakit tila na napakahirap na iwan at layuan si Rio? Ganito ba talaga ang pagmamahal? "Are you out of your mind, Rio? Ipagpapalit mo ba talaga ako sa babaeng sumira sa relasyon natin? Gagawin mo ba talaga akong kakatawanan sa mata ng ibang tao?" bulyaw ni Zane.  Kahit nasa kabilang linya ay ramdam ko pa rin ang galit nito. Iyong tipong masisira na ang screen ng cellphone dahil sa malakas nitong sigaw. "Stop it, Zane! Ako ang may kasalanan ng lahat kaya huwag mo nang idamay pa si Yu'er. Wala na tayo nang magkaroon kami ng relasyon kaya sana ay hayaan mo na kaming dalawa. Pasensya ka na—" "Pasensya? May magagawa ba ang pasensya mo kung masisira ang reputasyon ko sa harap ng ibang tao?" Nilingon ako ni Rio ngunit sa halip na salubungin ang mga mata nito ay kaagad kong iniwas ang aking paningin. Ayaw kong makita nito ang ekpresyon ng aking mukha. Kinakabahan ako sa patutunguhan ng usapan nila na'to. Paano kung maisipan niyang balikan si Zane? Paano kung bigla na lang niya kaming iwan ng anak namin? Napapitlag ako nang may humawak sa aking kamay. Alam kong si Rio iyon pero nagulat pa rin ako. "Wife..." Tipid akong ngumiti sa kanya ngunit hindi umimik at baka mas lalong magalit si Zane. "Hindi ko kayang iwan si Yu'er, Zane. Hindi ko siya kayang ipagpalit kanino man, at wala rin akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao." "Hihiwalayan mo siya o magpapakamatay ako? Isipin mo ang lahat ng pinagsamahan natin, Rio! Bakit mo ako ipagpapalit sa babaeng hinahabol ka lang dati at hindi mo pa lubusang kilala—" "Kasi kahit kailan hindi niya ako iniwan, kahit anong pagkakamali ang ginawa ko sa kanya na kahit nasasaktan na siya ay hindi niya naisip na layuan ako, Zane," mariin na sagot niya rito. I do. Sinubukan ko naman talaga siyang layuan no'n dahil ayaw kong mamatay ng dahil sa isang lalaki. I am Yu'er Marquis ang babaeng hindi pa na in-love sa totoong mundo. Ang babaeng hindi alam kung ano ang tunay na ibig sabihin nang pagmamahal. Ngunit kung ang Yu'er na dito sa libro ang pagbabasihan ng sinasabi ni Rio ay tama ito sa isinagot niya, dahil hanggang kamatayan na yata na dadalhin ng babaeng iyon ang pagmamahal niya kay Rio. "Hindi ako makapapayag na maging kayo, Rio! Kung hindi ka magiging akin dapat lang ay wala Kang ibang babae." Hindi pa ito nakakasagot nang pinatay na nito ang tawag. Napahawak ako sa aking tiyan dahil sa kaba na baka may gawing masama sa akin si Zane kahit napaka-imposible naman na mangyari iyon. Nakita yata ni Rio ang aking pag-aalala kaya pinisil nito ang aking kamay na hawak niya. "Nandito lang ako, wife, hindi ko kayo hahayaang masaktan." Alam ko naman na gagawin nga niya talaga iyon kaya naging panatag na ang aking puso. "By, ma to itatanong ako." "Ano iyon?" tanong niya kaagad. Napatikhim ako para mawala ang bara sa aking lalamunan, sabay tingin sa kanyang mukha. "Hindi ba at mahal na mahal mo si Zane? Bakit mo siya hinayaang masaktan? Bakit hindi mo siya ipaglaban at ang relasyon ninyo?" Gumaralgal pa ang aking boses dahil sa kaba na aking nararamdaman, habang hinihintay ko ang magiging sagot niya. "Sa tingin ko ay mahal na mahal ka pa rin naman niya basi sa tawag niya kanina." Hinaplos nito ang aking mukha sabay halik sa aking noo. "Minahal ko siya, Yu'er, pero noon iyon. Noong mga panahon na hindi ko pa natatanggap sa sarili ko na ikaw nga ang tinitibok nitong puso—" Tinampal ko kanyang dibdib para hindi niya matapos ang sasabihin. "Kumu-korni ka na naman, Rio, tigilan mo nga iyan. Naninindig balahibo ko sa iyo habang pinapakinggan ka!" reklamo ko sa kanya. Malakas naman siyang tumawa habang hawak-hawak ang kanyang tiyan. "Nakikiliti ba iyang puso mo dahil sa kilig, wifey?" tanong niya sabay kindat sa akin. "Asa ka pa!" Napahawak ako sa aking tiyan nang tumunog iyon. Nagugutom na naman ako, ngayong buntis ako ay palagi na lang akong nagugutom. Hindi ko na yata makukuha iyong magandang katawan na gusto ko sa lugar na ito, pero wala rin naman akong balak magpigil lalo na at para kay baby. "Nagugutom na po si baby, Daddy Rio." Napangiti ito at hinaplos ang aking tiyan. "Anong gustong kainin ng dalawang baby ko?" "Bumili ka ng cornette ice cream tapos ilagay mo sa slice bread na may cheese!" masaya kong sagot sa kanya. Tumaas pa ang kilay nito dahil sa hinihingi ko, pero hindi naman iyon mabigat na pabor. Mas malala pa nga maglihi ang iba kaysa sa akin. "Ayaw mo akong bilhan? Hindi mo na ako love? Ayaw mo na sa amin ni baby?" Sobrang sensitibo ako ngayon, siguro napaka-arte ng batang nasa sinapupunan ko. Hindi ko tuloy alam kong anak ba ito ng may-ari ng katawan o anak ko sa sobrang kaartehan. "Bibili na nga ako. Huwag na kayong magtampo na dalawa, hintayin niyo na lang ako rito, okay?" Tumango ako at nagpasalamat sa kanya. Humiga ako sa sofa dahil nakaramdam na ako nang pangangalay sa aking likod. Ipipikit ko pa lang ang aking mga mata para umidlip nang may narinig akong nag-uusap. May tao bang pumasok? Bakit hindi ko narinig ang pagbukas ng pinto at ang mga yabag nila? "That witch who stole the golden orb..." Nakagat ko ang aking ibabang labi at hindi kumilos sa aking kinauupuan. Natatakot ako na baka kapag gumalaw ako at malaman nila ay baka patayin nila ako o gawing palaka. Hindi ba at iyon naman ang ginagawa ng mga witches? "Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon pero sigurado akong mananagot siya sa itaas." "Ano nga ang pangalan no'n?" "Hindi pa rin kilala ng head witch pero iniimbistigahan na nila iyon." "Sigurado akong si Yu'er iyon, Ryza!" Dilat na dilat ang aking mga mata habang pinapakinggan ang mga sinasabi nila, lalo na ng mabanggit ang pangalan ni Yu'er. Problema na naman ba ito? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD