Chapter 41:

1019 Words
YU'ER Hindi ako makapaniwala sa tono nang pananalita ni Rio sa akin. Syempre magugulat ang mga taong nasa paligid lamang dahil hindi naman ganito ang trato niya kay Yu'er dati. "So totoo nga, Yu'er?" Kumunot ang aking noo sa tanong ni Minji. Anong totoo? May nagsasabi ba ng hindi totoo para itanong niya sa akin iyon? Napahawak ako sa aking noo nang bigla niya iyong pinitik. Marahan lang naman iyon pero dahil nagulat ako ay pakiramdam ko parang lilisanin ako ng aking kaluluwa. "Bakit mo naman pinitik ang noo ko, Minji?" Inirapan niya ako at pinag-krus ang kanyang dalawang braso, trying to intimidate me. Gusto kong ngumisi dahil sa ginawa nito ngunit pinigilan ko ang aking sarili dahil hindi naman iyon gawain ni Yu'er. "Nasaktan ka ba? Namumula iyong noo mo," wika ni Rio nang makalapit ito sa akin at matingnan ang pinitik na bahagi ni Minji. "I'm fine, Rio, bakit ka ba narito—" "Let me help." Hindi pa ako nakakapagtanong nang ginawaran nito ng halik ang parteng iyon. Nanginginig ang aking mga kalamnan dahil nakakakilabot na kuryente na lumukob sa aking katawan at walang tigil na pagtibok ng aking puso. Rinig ko ang pagtawag nila Raine sa pangalan namin ni Rio, ngunit tila ba naging estatwa ako ng mga oras na iyon. Bukod sa nagulat ako dahil sa biglaang paghalik sa akin ni Rio ay iniisip ko rin ang sasabihin ng mga taong nanunuod ngayon. "Akala ko ba hindi si Rio ang boyfriend mo? Bakit ka niya hinalikan? Pinagtanggol pa naman kita sa bruhildang Zane na iyon," naiinis na usal ni Rain habang nakatingin sa aming dalawa ni Rio. Napabuntong-hininga ako at sinenyasan silang tatlo na sumunod sa akin sabay hila kay Rio. Dinala ako ng aking mga paa sa katapusan ng hallway kung saan may isang kwartong hindi ginagamit dahil luma na at ang sabi-sabi nila ay may multo raw na namamalagi rito. Hindi naman na ako natatakot doon, hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako naniniwala na isa pala akong witch at nakapasok ako sa librong ito dahil sa kagagawan ng isang tao. Bakit pa ako matatakot sa multo?  "Oh my gosh, bakit ba here tayo mag-uusap, Yu'er? Marumi and so nakakatakot pa!" nandidiring saad ni Annicka. Napakamot ako sa aking noo nang makaramdam ako nang pangangati roon, dahil na rin siguro sa alikabok.  "Sa labas na lang tayo mag-usap, Yu'er, ramdam ko rin ang kati sa ilong at katawan ko sa totoo lang," seryoso naman na saad ni Minji at lumabas na. Hindi ko rin naman sila napigilan kaya sumunod na lang din ako sa kanila. Siguro naman walang makakarinig sa amin dito na ibang tao at ipagkalat ang mapag-uusapan namin ngayon. "Akala ko ba tapos ka na sa lalaking iyan, Yu'er?" dismayadong saad ni Minji sabay nguso kay Rio na tahimik lang sa aking gilid. Mabuti na lang at alam niya ang salitang tahimik, akala ko ay mag-iingay na naman ito at sasabihin ang relasyon naming dalawa. "Hindi ba at sinabi mong pagod ka nang umiyak sa lalaking hindi naman alam ang halaga mo? Bakit ka ba palaging bumabalik sa kanya? May gayuma bang binibigay ang lalaking iyan sa iyo?" Nilingon ko si Rio at hindi nga ako nagkakamali may hindi ito kaaya-ayang ekspresyon sa mukha. Ibig sabihin ay hindi nito nagugustuhan ang pinag-uusapan namin.  "Nagbago na si Rio hindi na siya katulad ng dati. Sa totoo nga niyan ay siya na ang naghahabol sa akin ngayon." Malakas silang tumawa na tatlo at pipitikin na naman sana ang noo ko nang humarang si Rio. Tanging ang malapad na likod na lang tuloy niya ang aking nakikita. Sa sobrang lapad no'n ay natatakpan na niya ang mga kaibigan ni Yu'er. "Rio, okay lang ako. Hindi naman masakit ang pitik nila kaya ko naman—" "Please don't hurt her. Ayaw kong makita siyang nasasaktan sa kahit anong paraan." Malakas na tumawa si Rain at pumalakpak tila ba nagbibiro lamang si Rio. "Bakit may nasabi ba akong mali para makatanggap nang nakakainsulto niyong tawa?" seryosong tanong nito. "Hindi ba at nakakatawa na ikaw nga itong nananakit kay Yu'er dati tapos ngayon ikaw na ang naninita sa amin. Are you drunk or maybe crazy?" Napahawak ako sa sleeves ng damit ni Rio nang bigla niyang hinapit ang aking bewang at inilapit ako sa kanyang katawan. "Ano ba ang ginagawa mo, Rio? Bitawan mo nga ako at baka magka-issue na naman tayo rito sa school—" "I'm not drunk or crazy but I'm inlove," wika niya na pumutol sa aking sasabihin lalo na at inangkin nito ang aking labi. Nang maghiwalay ang labi naming dalawa ay kitang-kita ko ang gulat sa mga mata ng tatlong. Hawak-hawak pa nito ang kanilang mga labi.  "Totoo ba, Yu'er?" gulat na tanong ni Annicka. Hindi ko na naman siguro kailangan na magsinungaling 'di ba? Sa ginawa pa lang ni Rio ay malalaman mo na kaagad kong ano ang relasyon namin sa isa't-isa. Kinagat ko ang aking ibabang labi at tumango sa kanila bilang sagot sa tanong ng mga 'to. "Really?! Kaya pala talaga ng power mo ang isang Rio Reigo? Ibig sabihin ba no'n may tsansa na ako sa manliligaw s***h bestfriend mong si Riley?" nakangising saad ni Annicka. Hindi pa ako nakakasagot nang nilingon ako ni Rio. Nakatiim-bagang ito at may madilim na awra na pumapalibot sa kanya. Sa halip na matakot ay napabuntong-hininga ako, palagi naman kasi itong sinasabi ng writer na seloso nga ito hindi mailarawan ang itsura nito kapag nagseselos, pero sa totoo lang gwapo pa rin ito kahit na nakasimangot at namumula ang buong mukha. "Hindi ko naman kasi manliligaw si Riley. Malapit ko siyang kaibigan kaya malapit kami sa isa't-isa. Atsaka may iba naman iyong gusto," nakangiti kong turan. Naningkit ang aking mga mata nang biglaan akong pinalingon ni Rio sa kanya. "Anong problema mo na naman?" "Ibig bang sabihin na kapag walang ibang nagustuhan si Riley ay may balak kang—" 'Huh?" putol ko sa kanyang sinasabi dahil naguguluhan ako. "Anong pinagsasabi mo?" Ngumisi siya at tiningnan ako sa mga mata. "Huwag mo nang sagutin hindi rin naman kita papakawalan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD