YU'ER
Hindi pa naman kalakihan ang aking tiyan pero kung makaalalay si Rio sa akin paakyat sa kama pakiramdam ko ay sobrang bigat na ng dinadala ko at kailangan ko na talaga ng karamay.
"Kaya ko naman, Rio, ikaw talaga!" reklamo ko sa kanya nang makahiga na ako sa kama. Mabilis naman itong umikot sa kabilang bahagi at tumabi sa akin.
"Hindi ka pa uuwi?" tanong ko sa kanya. Akala ko kasi ay uuwi ito kaagad kapag naihatid na niya ako sa kwarto. "Wala ka bang gagawin na mga—"
"I want to stay here and spend more time with you, wife," bulong niya habang hinahaplos ang aking braso. Nilingon ko naman siya kaagad at marahang kinurot ang kanyang pisngi.
"Kantahan mo kami, Rio, gusto kong marinig ang boses mo," wika ko at sumandal sa kanyang dibdib. "A love song please, iyong mabilis akong makatulog. I'm really tired."
Napangiti ako nang maramdaman ko ang marahang pagdampi ng kanyang labi sa aking noo. Nang makalayo na ay nagsimula na itong kumanta kaya ipinikit ko na rin ang aking mga mata habang pinapakinggan ang kanyang magandang boses.
"I'm sorry if I hurt you for so long love. Nahihiya ako sa'yo but I can let you go now that I realized that I'm inlove with you."
Hindi ko alam kung ano ang ginawa nito naramdaman ko lang na may nakatingin sa akin kaya hindi ko na idinilat ang aking mga mata. Hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko rito, lalo na at hindi naman ako ang nagmamay-ari ng pusong ito kundi si Yu'er, hindi ko alam kung gusto ko ba siya para sa sarili ko o gusto siya ko siya dahil iyon ang tinitibok ng puso ni Yu'er.
"Tinulugan mo naman ako, wife," mahinahong saad nito sabay haplos sa aking mukha. "Hindi mo tuloy narinig ang kabaduyan ko. Inipon ko na lahat ng lakas ng loob ko para masabi lang iyon kaso tinulugan mo ko."
Binuhat ako nito at inayos sa pagkakahiga sa kama. Nakagat ko ang aking ibabang labi nang tumabi na naman ito sa akin at niyakap ako mula sa aking likuran. Wala yata itong balak na umuwi lalo na ngayon na tinulugan ko pa siya.
Kahit naman na sabihing may nangyari na sa amin ay naiilang pa rin ako dahil isang beses pa lang naman iyom. Hindi rin ako sanay sa ganitong posisyon namin. Masyadong malapit na ramdam na ramdam ko ang kanyang mainit na hininga.
Marahan nitong hinaplos ang aking tiyan at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. "Baby, huwag mong pahirapan si mommy, ah? Kapag ginawa mo iyon ibibigay ko lahat sa'yo paglaki mo." Natawa pa ito muli sabay hawak sa aking kamay. "Kahit pala maging pasaway ka ay pagbibigyan pa rin kita sa gusto mo. Mahal kita, eh."
Dahil nakatalikod ako rito ay malaya akong nakangiti dahil sa sinabi niya. Kaya pala labis na pagmamahal ang nararamdaman dito ni Yu'er dahil may ganitong ugali pala si Rio.
"Sleep well, my love," wika niya sabay halik sa aking batok.
NANLALAKI ang aking mga mata nang makita ang tatlong kaibigan ni Yu'er na papalapit sa akin. Natampal ko ang aking noo nang maalala ang sinabi nila dati sa akin. Hindi ko naman sila nadala no'n dahil sobrang busy ko, marami rin kasi akong inasikaso na iniwan ni Yu'er noong nabubuhay pa siya.
"Are you okay, Yu'er? Namumutla ka, dahil ba kinalimutan mo na kami?"
Bakit ba kasi kailangan pa na nagtagpo ang aming mga landas? Anong gagawin ko ngayon lalo na at biglaan na lang papasok si Rio sa apartment ko.
Gamitin ko kaya ang witch power ni Yu'er? Pero hindi ba at bawal iyong gamitin sa mga bagay na hindi importante? Nakasaad doon na kapag ginamit ko iyon sa walang kwentang bagay at kasamaan ay mawawalan ng kapangyarihan ang taong nagmamay-ari no'n?
"Ah-hi?" mahina kong bati sa kanila. "Bakit kayo narito?"
"Nakalimutan mo na ba na dalhin kami sa apartment mo, Miss Yu'er?" Napakamot ako sa aking batok at napalingon sa mga estudyanteng nanunuod sa amin. Kumunot ang aking noo dahil simpleng pag-uusap lang naman ito pero kung makatingin sila tila ba nag-aaway kaming apat. "Anong tinitingin-tingin niyo r'yan? Ngayon lang kayo nakakita ng magkakaibigan na nagbabangayan? Wala kayong friends?"
Umiwas naman kaagad ang mga ito ng tingin dahil sa sinabi nito. Sino ba naman ang hindi mapapasunod kung ang pagmumukha nito ay parang may tag na nakatatak na, 'Iiwas ka o tatanggalin ko iyang mga mata mo.'
"Minji, stop..." Nilingon ko ang babaeng may mala-anghel na mukha nang pigilan nito ang babaeng may malalim na bilao.
"Ano ka ba naman, Rain, sabi ko naman sa'yo huwag ka masyadong mabait sa iba 'di ba?"
"Huwag ka nang makipag-away sa kanila hindi naman worth it. Para kang high school student pwede mo naman na ipatanggal 'yan sa school!"
Napasinghap ako sa sinabi nito. Hindi ko tuloy alam kong namutawi niya ba talaga ang mga salitang iyon o may ibang taong nagsalita para rito.
"Ano na, Yu'er? Dadalhin mo pa ba kami roon o magkakalimutan na tayong magkaibigan?"
Napangiwi ako sa sinabi nito kung pwede lang sana na sabihin dito ang pangalawa ay ginswa ko na, ngunit hindi naman iyon magugustuhan nang nagmamay-ari nitong katawan 'di ba? Nakikigamit lang naman ako rito kung gagawan ko ito nang masama baka mas lalo akong maparusahan.
"Pwede ba na ilibre ko na lang kayo sa ibang lugar? Ibebenta ko na kasi ang unit ko na iyon dahil hindi ko na naman siya kailangan."
Parang kailan lang ay ibebenta ko ang unit na iyon dahil ayaw kong makita na si Rio, ngunit ngayon nagsimula na kaming kilalanin ang isa't-isa.
"Huh? Kabibili mo lang no'n, ah? Bakit mo naman ibebenta kaagad? May problema ka ba roon?"
Kaagad akong umiling sa sinabi. "May binili si mama sa akin na bahay malapit dito kaya hindi ko na kailangan iyon, baka nga hindi ko na mapuntahan kaya ibebenta ko na lang."
Kaagad naman silang tumango na tatlo kaya nakaginhawa ako nang maluwag. "Saan mo nanan kami dadalhin para makabawi ka sa amin—"
"Yu'er!" Nanlalaki ang aking mga mata nang malambing na tinawag ni Rio ang aking pangalan, habang naglalakad papalapit sa akin. Patay! Kailangan ko nang rason.