YU'ER
Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang mga dahilan kung bakit nangyari iyon kay Yu'er. Kung sana binasa ko no'n nang maayos ang libro edi sana alam ko na kaagad kong sino ang may gawa no'n.
"Yu'er? Nandito ka ba sa loob? Mqy dala akong pagkain!" Napapitlag ako at kaagad na bumangon sa kama nang marinig si Rio sa labas ng apartment ko.
Ilang oras na rin pala akong nakatunganga at nag-iisip. Hindi ko man lang namalayan na nagugutom na pala ako kung hindi pa sinabi ni Rio ang tungkol sa pagkain.
Pinagbuksan ko ito ng pinto at kukunin na sana ang dala nitong paper bag nang bigla ako nitong niyakap nang mahigpit.
"I missed you! Kung pwede lang sana na palagi kitang katabi," wika niya habang hinalik-halikan ang aking mukha. Kaagad ko ring itinulak ang kanyang noo para mapalayo siya sa akin kaya kaagad siyang napasimangot. "Hindi mo man lang ako na-miss."
"Actually, I do but I'm hungry. Hindi ako nakapag-dinner." Nanlalaki ang kanyang mga mata at sinuri ako nang maigi. "Ano ba naman iyan, Rio—"
"Bakit hindi ka kumain? Alam mo ba na nakakasama iyan sa katawan? Si baby? Kung tinatamad kang magluto pwede mo naman akong tawagan, eh. Mabuti na lang pala at nakauwi ako kaagad dito."
Huminga siya nang malalim at hinila ako sa may hapag-kainan. Napangiti naman ako habang nakasunod sa kanya. Ramdam ko ang pag-alala nito habang tinitingnan ko siya na abala sa paghahain ng pagkain.
.
"Maayos naman ako, Rio, nakalimutan ko lang talagang kumain dahil nagagalak ako sa mga gamit ko no'n. Hindi ko aakalain na naitabi ko pala," rason ko rito.
Nang matapos siya sa paghain ay kaagad siyang tumabi sa akin at sinubuan naman ako. "I can do it, by," mahinahon kong wika.
Inilagay naman nito sa plato ko ang kutsara at tinidor para hayaan akong kumain nang mag-isa. Napangiti naman ako sa ginawa nito at tiningnan siya habang kumakain.
"Ano pala ang mga gamit na nakita mo roon? Parang nakakapagselos tuloy na nakalimutan mo ang pagkain dahil lang doon," nakabusangot niyang saad. Natawa ako sa sinabi nito at kinurot ang kanyang pisngi.
Sa halip na tabigin ang kamay ko ay kaagad niyang hinuli iyon at dinala sa kanyang labi para halikan. "Bakit ba ang sobrang sweet mo ngayon?"
"Ngayon lang ba? Palagi naman akong sweet hindi ko lang talaga napapakita sa iyo no'n—"
"Dahil busy ka sa ibang babae," mahina kong saad, sapat lang sana iyon para sa sarili ko ngunit narinig niya yata iyon kaya kaagad siyang nagsabi ng 'huh?'
"Anong sinabi mo, Yu'er?" nakataas ang isang kilay na tanong niya sa akin. Nakagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ang aking tawa nang makita ko ang kanyang namumulang mukha.
"Wala sabi ko ang gwapo mo!"
"May narinig akong babae kanina na sinabi mo..." puno nang pagtataka niyang saad tila ba kinukumbinse ang kanyang sarili kong narinig niya nga ba iyon sa akin o guni-guni lamang. "Mali ba ako nang pagkakarinig?"
"Totoo naman talaga na hindi mo ako binibigyan pansin no'n dahil sa mga babae mo. Mali ba ako, Rio Reigo?"
Natigilan siya sa pag-iisip at tiningnan ako. Pinigil ko ang aking tawa dahil sa kaseryosohan niya lalo na at gusto kong marinig ang ekplenasyon nito. "Iyon ay mga panahon na hindi ko pa na-realize na mahal kita. Huwag ka nang magselos, wife, nagbago na naman ako sa iyo lang ako titingin at magiging malambing, hmm?" panunuyo niya.
Hindi ako umimik pero sa totoo lang parang kinikiliti ang puso ko sa sinabi niya. "Mapapatawad mo pa ba ako, wife?"
"Baliw! Bakit naman kita patatawarin kong wala ka namang ginawang kasalanan. May mga lalaki rin naman akong pinapansin at hinahayaang manligaw sa akin noon—Mabuti pa at kumain na tayo nang maayos," pag-iiba ko nang usapan.
Kumuha ako nang shrimp na binalatan nito at isinubo iyon. Hindi ko pa natatapos ang pag-nguya nang magsalita ito.
"Sino ang mga lalaking hinayaan mong manligaw sa iyo, Yu'er? Hindi ba at ako lang naman ang lalaking hinahabol mo noon?" Tumaas kaagad ang aking kilay sa sinabi niya, pero sa totoo lang siya lang naman talaga ang mahal ni Yu'er, pero dahil gusto kong makita siyang maasar ay ipagpipilitan ko ang usapin na ito.
"Hinahabol kita no'n pero hindi ibig sabihin no'n na hindi na ako tatanggap ng ibang lalaki sa buhay ko lalo na at paulit-ulit mong ipinamukha sa akin na hindi ako karapat-dapat sa iyo."
Gusto kong sabihin dito na kung nasa loob pa lang ako ng libro ng mga oras na iyon ay nasapak ko na siya. Mabuti na lang at nagbago ito nang dumating ako.
"I'm sorry, hindi ko naman binalak na saktan ka no'n." Alam ko naman iyon. Hindi nga naman siya ang may gawa no'n, syempre ang writer ng libro ay galit na galit sa akin kaya kahit sa librong isinulat na lang nito niya ako mapatay ay sapat na sa kanya.
"I know, by, kaya..."
"Pero sino nga iyong mga lalaking nanliligaw sa iyo?" Natampal ko ang aking noo sa sobrang inis sa kanya lalo na at hindi pa rin niya makalimutan ang sinabi ko sa kanya. "Kasama ba ang Riley na iyon?"
Natigilan ako sa sinabi nito. Si Riley nga pala, kaya ba nag-aaway sila ni Yu'er dahil dito? Kaya ba pinipilit ni Yu'er na ilayo si Riley kay Zane? Ang gulo ng buhay nila, ang dami pang dapat na tuklasin sa mundong ito, kaya ba hindi ako makabalik sa totoong mundo dahil wala pa ako sa pinakagitna ng kwento?
"Wife, are you okay? Hindi naman sa pinapagalitan kita. Nais ko lang naman na malaman kung—"
"I'm fine, napaisip lang ako ng mgs bagay-bagay. Rio, may itatanong ako sa iyo, napaka-importanteng tanong kaya sana sagutin mo nang maayos."
Kumunot ang kanyang noo ngunit tumango rin naman kaagad. Malalim akong bumuntong-hininga at tiningnan siya sa kanyang mga mata.
"Paano kapag nalaman mo na may ginawang masama si Zane noong magkasama pa kayo?" Kumunot ang kanyang noo habang nakatitig sa akin.
"Nagseselos ka ba dahil sa kanya?" Kaagad akong umiling at umiwas ng tingin dito.
"Gusto ko lang malaman kung ano ang gagawin mo kapag ganoon," mahina kong turan.
"Hahayaan ko na lang ang nakaraan na manatili sa nakaraan, Yu'er, tapos na ang lahat wala na kaming relasyon sa isa't-isa." Mapait akong ngumiti at napatango rito.
Hindi lang basta nakaraan si Zane. Alam kong may malaki pa itong gagampanang papel sa susunod na mga araw. Kung ano iyon, iyon ang hindi ko alam at kinatatakutan kong mangyari lalo na sa batang nasa sinapupunan ko.
Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang bukas dito. Nakakatakot.