Chapter 38:

1151 Words
YU'ER Mabilis na lumipas ang oras at natapos ang klase ko sa araw na ito. Patungo na ako ngayon sa parking lot kung saan naghihintay si Kuya Sik, ngunit hindi pa ako nakakarating sa may sasakyan ay may nakita akong pamilyar na tao na gumagawa ng hindi kaaya-ayang bagay. Napalunok ako at mas binilisan ang aking paglakad para hindi ako makita roon. Paano niya nagawa iyon? "Miss Yu'er? Narito po ang kotse." Napalingon ako kay Kuya Sik nang marinig ang boses nito. Napatingin din ako sa aking nilalakaran at nang makitang napakalayo na nito sa lot number na ibinigay sa akin kanina ni Kuya Sik ay kaagad akong napailing. "May problema po ba kayo? Parang lutang kayo ngayon," wika niya muli na pumukaw sa aking atensyon. "Wala po, may iniisip lang po ako tungkol sa mga trabaho sa school. Uwi na po tayo—ah, kuya, pwede po ba na sa apartment niyo na lang po muna ako ihatid? May kukunin po sana akong mga gamit doon pero siguro doon na lang din ako matutulog," paalam ko sa kanya para masabihan na lang din niya sila mama. Balak kong tingnan ang mga gamit ni Yu'er kaya sa apartment na lang muna ako matutulog. Sa tingin ko ay may dahilan din ito kung bakit hindi niya mabitawan si Rio. Sa nakita ko kanina hindi imposible iyon. "Sige po, Miss Yu'er, matulog na lang po muna kayo riyan dahil gigisingin ko na lang po kayo pagdating natin." Tumango ako at nagpasalamat sa kanya bago ipinikit ang aking mga mata.  Pagmulat ng aking mga mata ay kaagad kong inilibot ang aking paningin sa madilim na lugar na iyon. Kumunot ang aking noo at hinanap si Kuya Sik, mabuti na lang at nahanap ko kaagad ito at baka naghihisterikal na ako ngayon sa sobrang kaba. "Kuya Sik, bakit hindi niyo po ako ginising?" kunot-noong tanong ko sa kanya nang makababa ako sa sasakyan. Kaagad naman siyang lumapit sa akin at pinagbuksan ako ng pinto. "Hindi ko na po kayo ginising at baka makasama sa bata na dinadala niyo. Hinintay ko na lang po kayo na magising bago umalis, tinawagan ko na rin po naman ang mommy ninyo." "Hala! Salamat po, kuya, pinaghintay ko pa po talaga kayo. Pasensya na po," hinging-paumanhin ko rito dahil naistorbo ko pa ang trabaho niya. Tumawa siya at ginulo ang aking buhok bago ako inalalayan pababa sa may kotse. Ramdam ko ang kabaitan ni Kuya Sik kay Yu'er simula nang makilala ko ito. Siguro ay maayos ang turing dito ni Yu'er kaya parang kapatid na lang din ang tingin nito sa kanya. "Okay lang iyon, Miss Yu'er—" "Yu'er na lang po, kuya," nakangiti kong saad sa kanya. Nagdikit muna ang kanyang kilay dahil sa sinabi ko ngunit ilang sandali lang ay sumang-ayon din naman ito. "Papasok na po ako sa loob maraming salamat po ulit." Hinintay pa ako nitong makapasok sa apartment bago umalis. Inilagay ko ang aking bag sa may sofa at pumunta sa may study room ni Yu'er kung saan ko nakita dati ang kanyang mga gamit. "I'm sorry, Yu'er, pero kailangan kong matingnan kong ano ang laman nito." Simpleng bagay lang naman ang naroroon. Mga malilit na hairpins na hindi ko alam kung bakit pati iyon ay tinatago niya.  Mayroong ding kwentas na ginawa gamit ang mga shells. Maganda iyon kahit hindi mamahalin, kinuha ko ang mga bagay na iyon at inilagay sa mesa. Isinunod kong ilabas ay ang kwaderno na sa tingin ko ay ang diary niya no'n. Kumunot ang noo ko nang may nalaglag doon na mga litrato. Mabilis akong yumuko para kunin iyon at tiningnan.  Sumilay ang ngiti sa aking labi nang makitang silang dalawa iyon ni Rio, ngunit nasa malayo siya habang tinuturo si Rio sa entablado na nakikipag-usap sa guro. She really loves him, kung nabubuhay siguro si Yu'er ay magiging masaya ito ngayon. "Yu'er, magkaka-anak na kayong dalawa. Sana masaya ka kahit nasaan ka man ngayon." Muli kong ibinalik ang paningin sa may diary nito at binasa iyon. Unang pahina pa lang ay bumungad na kaagad ang pangalan ni Rio sa tingin ko ay ginawa niya ito para sa lalaki. "Nakita kitang nakikipag-usap kay Zane. Ang ganda niya 'di ba? Nakakainis lang dahil hindi ko mapantayan ang ganda niya, pero alam mo ba na dinala ko iyong straw ng binili mong juice sa canteen kanina! Hahaha huwag kang matakot gusto ko lang maalala na habang iniinom mo ang juice na iyon ay napatingin ka sa akin." Naiiling ako sa kakornihan ni Yu'er pero wala naman akong masabindahil nagmamahal lang naman ito sa lalaking iyon. Muli kong binuksan ang kasunod no'n.  "Nasasaktan ako sa pinagsasabi mo kanina, Rio, gusto ko lang naman na makipag-kaibigan sa iyo pero pinagtulakan mo ako palayo sa harap ng mga estudyante dahil sa Zane na iyon. Hindi mo ba alam na may tinatago siyang sekreto sa iyo? Kung hindi mo lang sana ako iniligtas no'n habang nalulunod. Hindi sana kita hahanapin at hindi rin sana mahuhulog ang loob ko sa'yo. Tinuring kitang savior at gusto kitang maging kaibigan. Dahil hindi naman kita pipilitin maging nobyo ko!" Napalunok ako nang mabasa iyon. So may tinatagong sekreto nga si Zane? Hindi nga ako nagkakamali sa nakita ko kanina na nakikipaghalikan ito sa matandang lalaki at nakikipag-haplusan ng iba't-ibang maselang parte ng katawan?  "Sa pinakahuli nitong diary ko may sisidlan doon ng litrato tungkol sa panggagago ni Zane sa iyo, pero dahil ayaw mong makinig sa akin at binabalaan na rin ako ng nobya mo ay ililihim ko na lang ang lahat at kung may pagkakataon man na malaman mo ang totoo. Sana may karamay ka at mapagsabihan ng sama ng loob mo." Muli kong binuksan ang mga pahina ngunit wala na ng nakasulat doon. Malalim akong napabuntong-hininga at binuksan ang pinakahuling parte no'n. Nanlalaki ang aking mga mata nang makita si Zane at ang iba't-ibang lalaki nito. Pero paano nangyari ito kung ginawa itong malinis at walang bahid nang kasamaan ng writer?  Napailing ako at nag-iisip ng pwedeng gawin. Wala na naman siguro akong pakialam sa kanya hindi ba? Wala na sila ni Rio at wala naman itong ginagawang masama sa akin— "May ibang dahilan ba ang pagkalalag ni Yu'er sa may tulay na iyon? Nakakapagtaka lang din na sa unang araw pa lang ng paglipat ko sa mundong ito ay iyon kaagad ang pinakita niya sa akin. Yu'er, hindi ka ba talaga nagpakamatay ng gabing iyon? Sino ang may gawa sa iyo nito?" Nanindig ang mga balahibo ko sabay hawak sa aking tiyan. Mabuti na lang at na-protektahan niya ang bata. Kung hindi ito witch at walang ibang kapangyarihan baka pati ang anak nito ay namatay na. Sinong halang ang kaluluwa ang pumatay kay Yu'er? Ikinuyom ko ang aking kamao dahil sa galit na lumulukob sa aking puso para rito. I'll seek justice, hindi ako titigil hanggat hindi mapagbabayaran ng taong iyon ang ginawa niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD