Chapter 37:

1078 Words
YU'ER "Anong ba ang gusto niyong mangyari? May problema ba kayo sa akin? Pwede ba na lumayas nga kayo sa harapan ko!" naiinis kong saad sa kanila. Mabilis akong naglakad palayo sa mga ito at nagpunta sa may classroom. Hindi pa ako nakakaupo nang may panibago na namang tao na hindi maganda ang awra na lumapit sa akin. Malalim akong napabuntong-hininga at tiningnan siya. Hindi naman ako pinapakitaan ni Zane nang masama pero dahil naiinis ako ngayon sa dalawang kolokoy ay madadamay talaga ito kapag may nasabi siyang hindi kaaya-aya sa aking pandinig.  "Akala ko ba gusto mong magkabati kami ni Rio? Kaya mo ba ako pinapabalik dito dahil gusto mong agawin siya nang harapan? Kung hindi ko pa nalaman sa ibang tao siguro hindi ko rin malalaman ang lahat ng ito. Kung alam ko lang na ginagago mo ako edi sana pala ay naghanda ako at hindi nakipagkaibigan sa isang traydor na katulad mo," mahina ngunit nanggagalaiti niyang turan.  "Pwede ba, Zane, huwag ngayon? Alam kong nasasaktan ka pero huwag mo muna akong pangaralan ngayon dahil naiinis din ako sa takbo ng buhay ko. Pwede?" Hindi ko rin alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang pangyayari na ito. Hindi ko naman sinasadya na mahulog ang loob ko kay Rio at mahuhulog din ito sa akin. Ang laki na ng pinagbago ng plot pero wala na naman akong magagawa roon. Hindi ko rin makontrol ang mga nararamdaman ng mga tao rito, at kahit anong pilit ko na lubayan ang mga ito ay pinagtatagpo pa rin kami ng tadhana.  "Ikaw na nga itong nakasira ng relasyon ikaw pa itong may ganang magalit? Ang lakas din ng loob mo ano?" Kinamot ko ang aking kilay dahil sa sinabi nito. Hindi ko na kayang ipaulit-ulit ang mga salitang lumabas na sa labi ko. Hindi ko alam kung maintindihan niya ba iyon o hindi pero sa tingin ko naman ay pumasok na iyon sa kukote niya ayaw niya lang talagang intindihin. "Hindi mo ba ako naiintindihan o nagbibingi-bingihan ka lang?" Mariin kong ipinikit ang aking mga mata dahil sa inis ko rito. Kung totoo man ang nabasa ko sa libro na mabait ito edi sana ay tinigilan na niya ako.  "I am not deaf but I don't want to hear your rants anymore, Miss Flawless," mariin kong saad. Pinanlisikan niya ako ng mga mata at malakas na hinampas ang mesang ginagamit ko. "What do you want? Sabihin mo na kaagad at lumayo ka na sa aking harapan dahil ayaw konng makipag-away sa iyo, Zane—" "Makikipag-away sa'yo? Why Would I waste my time fighting with you? Hindi ka worth it na kalaban, Yu'er," nanggigigil na turan niya. Hindi na ako umimik at iniwasan na lang anf kanyang tingin. Kahit na magkatuluyan kami ngayon ni Rio ay ilang buwan lang din naman akong mananatili sa mundong ito. Kapag nawala na ako tiyak kong maibabalik pa ni Rio ang pagmamahal para rito. "Makinig ka sa akin, babae, kung ayaw mong masampal kita sa sobrang inis!" Nilingon ko siya at malalim na bumuntong-hininga. Hindi ako nagsalita at hinintay lamang siyang magsalita. "Madali ka naman pa lang kausap. Isang beses ko lang itong sasabihin sa iyo. Lubayan mo si Rio dahil hindi kayo bagay at ako ang totoong mahal niya." Ngumiti ako at tumango sa kanya. Wala naman akong problema roon, pwede naman niyang kunin si Rio sa akin kung sasama ito sa kanya. Sino ba naman ako para pigilan ang dalawang nagmamahalan? Ako pa rin naman ang masasaktan pagdating ng araw kung maramdaman niyang hindi ako sapat at kailangan niyang maghanap ng iba.  "Kung babalik sa iyo si Rio ay hahayaan ko naman siya, pero kung hindi..." Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at binigyan ng isang ngisi. Muntikan na akong matawa nang nakita ko ang kanyang pamumula at pagkuyom ng kanyang kamao.  Pakiramdam ko tuloy parang lalabas na ang totoong pagkatao nito na tinatago niya sa magandang imahe na nakikita namin ngayon. Well, hindi ko naman alam ang totoong ugali nito kung hindi siya hawak ng writer kaya hindi ko masabi na tinatago niya nga ang ugali niya. "Kung hindi? Anong gagawin mo kung hindi babalik sa akin si Rio?" taas-kilay niyang tanong. "Syempre mananatili siya sa akin, hindi pa ba halata iyon kung boyfriend ko na naman siya?" Kulang pa na sabihin na umuusok ang ilong nito sa sobrang galit habang nakatingin sa akin. Tinapik ko ang kanyang balikat at umayos sa pagkakaupo. "Kaya kung ako sa iyo simulan mo nang tanggapin iyon, Zane." "Hah! Kung hindi mo naman siya inakit ay hindi naman niya ako iiwan. Tingnan lang natin, Yu'er, nasa akin pa rin ang huling halakhak." I am still the villain in this story, sino ba namang tao ang mang-aagaw ng boyfriend ng iba at ipangangandalakan pa niya. Wala namang nagbago pwera na lang sa pagmamahal ni Rio ngayon sa akin. Nasa kanya pa rin naman talaga ang huling halakhak dahil mawawala rin naman ako at kakalimutan ng lahat.  Napatingin ako sa pumasok na professor at hinintay na mawala sa aking harapan si Zane na hindi naman ako binigo. Binigyan pa ako nito ng isang huling sulyap bago tuluyang tinungo ang pintuan. "Class, today we need to go to the lab for observation..." Walang ganang kinuha ko ang aking mga gamit at sumunod sa mga kaklase ko na masayang lumabas. Pagod na pagod ang katawan ko kaya mas gugustohin kong manatili sa classroom at makinig sa lecture pero dahil hindi pwede ay kailangan ko pang sumama. "Wife!" Napatigil ako sa paglalakad nang biglang bumulaga sa aking harapan si Rio na may malapad na ngiti sa kanyang labi. Napalingon ako sa mga kasamahan ko at baka narinig nila ang tawag sa akin ni Rio ngunit nakapokus pa rin naman sila sa pinag-uusapan nila. "Nagugutom ka na ba? Dinalhan kita ng pagkain!" masaya niyang sambit.  Napakamot ako sa aking noo at hinila siya sa may tabi para makapag-usap kami. "Akala ko ba umuwi ka na? Hindi ba at may pasok ka pa mamaya kailangan mong magpahinga at—" Inangkin nito ang aking labi para hindi ko maipagpatuloy ang aking sasabihin, kaya nang maghiwalay iyon ay kaagad ko siyang sinamaan ng tingin. "Sorry, wife, gusto ko lang naman na masigurado na okay ka." "I'm fine, kaya umuwi ka na para makapaghinga bago bumalik dito." Tumango siya at bago ako pakawalan ay niyakap pa niya ako nang mahigpit. Napangiti na rin ako at hinaplos ang kanyang likod.  He is my man. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD