YU'ER
Tiningnan ko si Rio na papalapit sa akin habang may dala-dalang ice cream sa dalawa niyang kamay. Kanina habang nagmamaneho ito ay nakakakita ako ng ice cream vendor na nagtitinda ng vanilla flavor na ice cream kaya kaagad ko itong pinababa para makabili siya bago pa ito maubusan.
Nagcra-crave ako no'n dahil na rin siguro sa pinagbubuntis ko at laking tuwa ko nang hindi ako binigo ni Rio at binilhan nga ako.
"Ito na po ang order ng maganda kong asawa!" masaya niyang saad at iniabot sa akin ang isang ice cream na hinihingi ko kanina. Nagpasalamat ako rito ngunit bago ko iyon kagatan ay inilapit ko muna ito sa kanyang labi. Kumunot ang kanyang noo dahil hindi alam ang ginagawa ko. "Kagatan mo muna, by, para naman mas masarap kainin."
Malakas siyang tumawa at kinagatan nga iyon. Napangiti ako at sinimulan na iyong kainin. Kumislap ang aking mga mata nang malasahan ko iyon. "Masarap nga! Palagi na sana ganito ang gagawin mo sa pagkain ko, by, para naman palaging masarap ang pagkain."
Hindi naman ako ganito nandidiri pa nga ako kapag may tumatalsik sa aking laway, ano pa kaya kapag pinatikim ko sa kanila ang pagkain ko. Ngayon ko nga lang hinayaan nasubukan ang bagay na ito at hindi naman ako nandiri.
Lumapit siya sa akin at marahang kinurot ang aking pisngi. Simula kaninang pag-alis namin ay tinatawag ko na siyang hubby dahil nagpupumilit ito ngunit dahil medyo mahaba iyon ay pinalitan ko na lang ng by at wala naman siyang reklamo roon.
"Wife, maghihintay ka ba sa akin mamayang hapon o magpapasundo ka kay Kuya Sik?" Alas sais na ng gabi siya uuwi at ako naman ay hanggang four lang dahil maaga naman ang pasok ko.
Two hours lang naman sana ang hihintayin pero dahil tamad ako lalo na ngayon na buntis ako ay mas gugustohin ko na lamang na umuwi kaysa tumambay dito sa school.
Marami rin ang mga estudyanteng epal sa buhay rito kaya napaka-impossible na magiging payapa ka habang namamahinga.
"Pwede ba na mauna na lang muna ako sa iyo? Gusto ko kasing matulog pagkauwi ko, by, sa susunod na lang tayo magsamang umuwi, okay?" pangungumbinse ko sa kanya.
Bumuntong-hininga siya at tumingin sa may bintana nang makapag-desisyon ay muli niya akong nilingon. "Sige na nga at inaalala ko rin kayong dalawa ni baby. Basta mag-iingat kayo sa pag-uwi."
"Palagi naman akong nag-iingat kaya huwag kang mag-alala. O, nandito na pala tayo!" wika ko nang makita ang pangalan ng paaralan namin sa kabilang bahagi nang kinaroroonan namin. Mabuti na lang at nagmamaneho ito habang kumakain kami at para hindi siya mahirapan ay sinusubuan ko lang ito. "Huwag ka nang magpunta doon at baka mahalata tayo at pagbuntunan na naman ako ng galit ng mga fans mo."
Huminga siya nang malalim at ginawaran ako ng halik sa aking labi bago ako hinayaang makababa. Pagbubuksan pa sana ako nito ng pinto nang pinigilan ko siya.
Malayo pa ang school sa kinatatayuan ko ngayon kaya nilakad ko pa iyon. Nagtataka lang ako dahil wala nang humaharang sa akin ngayon. Isang araw lang naman akong nawala pero pakiramdam ko ay panaginip lang tuloy iyong pag-amin ko.
Natatakot na nga ang mga estudyante sa akin kaya halos lahat sila ay umiiwas na. Naningkit ang aking mga mata habang iniisip kung bakit sila nagkaganon, sa tingin ko ay si mama ang dahilan kung bakit ganito sila ngayon. May ginawa siguro si mama sa school para maayos ang problema ko rito, pero kung nagbigay lang si mama ng mga gamit dito tiyak kong may mga taong galit pa rin sa akin dahil pumabor na naman ang paaralan.
Ngunit pagpapasok ko pa lang sa loob ay ramdam ko na kaagad ang katahimikan ng buong lugar. Anong problema ng mga tao rito? Pakiramdam ko tuloy halos lahat sila ay naging pepe at hindi na makapagsalita.
"Yu'er!" Napalingon ako kay Riley na bumasag sa katahimikang namayani sa paaralan ito. Siya lang yata ang nag-iisang tao na nagbalak kausapin ako ngayong araw. "Ang aga mo yata ngayon, ah?"
Pinaningkitan ko siya ng mata dahil sa sinabi niyang maaga. Hindi ko alam kung nang-iinsulto ba ito o ano lalo na at ilang minuto na lang naman at klase ko na. Sa halip na awayin ito ay malalim akong huminga at tinanong ang tungkol sa mga estudyante.
"Ri, bakit pakiramdam ko ay takot na ang mga taong ito sa akin? Noong nagdaang araw naman ay halos kainin na nila ako ng buhay. Panaginip ba ito, Ri? Pinch me nga—aray!" hiyaw ko nang tinotoo nga nito ang kanyang pagkurot sa aking pisngi. "Gusto mo bang matanggal ang mukha ko, Riley?"
"Sabi mo naman na kurotin kita. Bakit mo naman ako sinisigawan ngayon? Problema mo ba, Buwan?"
Inismiran ko siya at marahang hinaplos ang aking mukha. "Dahil hindi ka pumunta rito kahapon ay nalaman ko na lang na may ginawa raw si Rio sa website. Hindi ko alam kung ano iyon pero sabi nila para raw iyon sa iyo," pagbibigay-alam niya.
"Marami ka namang protector dito, Yu'er!" masaya niyang saad. Sinimangutan ko siya at naglakad na patungo sa first class ko. "Yu'er, hindi mo ba alam na pumunta rito si tita para sana i-transfer ka ng paaralan ngunit pinigilan siya ni Rio. Hindi ko lang alam kung ano ang sinabi niya rito para mapigilan niya si tita pero sa tingin ko iyon ay ang alagaan ka."
Nilingon ko ito at pinag-krus ang aking kamay sa kanyang harapan. "Alam mo, Riley, pakiramdam ko nagiging marites ka na!" asar ko sa kanya.
Lumaki naman ang butas sa kanyang ilong kaya kaagad ko itong pinitik. "Gusto ko lang naman na ma-inform ka. Ayaw mo na talaga ng mga chismis ganoon?" taas-kilay niyang tanong sa akin.
"Sinasabi ko na nga ba at maghanap ka na ng girlfriend para naman maiwas-iwasan mo iyang pagkamarites mo! Masyado ka nang updated sa mga nangyayari sa buhay ng iba."
"Pero alam mo ba, Yu'er, may nalaman akong bagong balita. Mainit pa ito kasi kunti pa lang ang nakaalam, iyong tipong pang-VIP pa lang," nakangisi niyang turan habang nakatingin sa akin. Kumunot ang aking noo na kahit ayaw kong makialam sa buhay ng iba ay napuno pa rin ako ng kyuryusidad. "Gusto mo rin pala ang mga ganitong balita, Buwan, pero sa tingin ko ay alam mo na naman ito dahil tungkol maman ito sa iyo."
Nanlalaki ang aking mga mata dahil sa sinabi ni Riley paano ako nasali sa bagay na iyan? Anong balita ba ang nasagap nila tungkol sa akin?
"Totoo ba na ikakasal ka na raw sa isang anak ng mayamang negosyante?" Nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Sino ba ang nagpakalat ng balita na ito? Hindi ba nila alam na kailangan ko rin ng privacy? "Sino iyon, Yu'er? Marami naman akong kakilala na mga kaibigan ni tita. Sino roon? Bakit hindi na lang ako? Mag bestfriend na naman tayong dalawa simula pagkabata hindi ba?"
"Anong pinagsasabi mo, Riley? Hindi kita maintindihan. Baliw ka ba? Ako nga hindi ko alam kung sino kayo pa kaya, atsaka—WHAT?" gulat na sigaw ko nang ma-realize ang kanyang sinabi.
"Gusto kita, Yu'er, hindi ba halata iyon? Hindi na mahalaga sa iyo ang nararamdaman ko?" Napaawang ang aking labi dahil sa sinabi ni Riley.
"Hindi na mahalaga iyon dahil may lalaki na siyang minamahal."
"Rio?" gulat kong sigaw sa pangalan niya nang bigla na lang siyang sumulpot. May pinag-usapan kami 'di ba? Bakit bigla na lang itong nagpapakita? "Anong ginagawa mo rito?"
Napatingin din ako sa taong nasa tabi ko nang biglang itong umakbay sa akin. "Yu'er Marquis, halika rito," wika nito at inilahad sa akin ang kanyang kamay.
Maglalakad sana ako palayo sa kanilang dalawa nang hinigpitan ni Riley ang pagkakahawak sa akin. Napatikhim ako nang maglabanan sila ng tingin. Ano ba ang nakain ng mga lalaking ito? Hindi ko nagustuhan ang mga pinanggagawa nila ngayon.