Kabanata 5

1868 Words
Kagaya ng inaasahan ay nagalit kay Evelyn si Jack pero hindi naman iyon nagtagal dahil may back-up ang file na iyon si Charles dahil sinabi naman nito na pinag-aaralan pa lang ni Evelyn at walang dapat ikagalit si Jack dahil may kopya pa naman iyon. Hindi pa iyon na-i-se-save ni Evelyn dahil hindi pa niya kabisado ang system sa kumpaniya ng S2J. Naniniwala na si Evelyn sa pagiging malas niya. Nakahinga nang maluwag si Evelyn nang marinig na may kopya pa si Charles kahit handa na siyang saluhin ang galit ni Jack. Muli na namang nailigtas ni Charles si Evelyn ngunit nahihirapan pa rin si Evelyn na pakisamahan ang boss niya. Naituro na ni Charles ang lahat ng dapat malaman ni Evelyn kaya naman hindi na sila madalas nag-uusap. Isa na rin sa dahilan ni Evelyn ay dahil ayaw niya na mapagalitan pa ulit si Charles dahil sa mga tanong at kadaldalan niya. Gusto pa nga sana niyang magtanong tungkol kay Jack pero hangga’t maaari ay pinipigilan niya ang sarili lalo na kung personal na tanong iyon dahil iyon ang una sa listahan ni Jack na ayaw niya sa empleyado niya. Ngayon nga ay kagagaling lang ni Jack sa meeting at nang makabalik siya mula sa conference room ay kinatok niya ang mesa ni Evelyn. “Café noir,” sabi nito sa kanya bago pumasok sa opisina nito kaya naman para makabawi si Evelyn ay kaagad siyang tumayo para ipagtimpla ng black coffee si Jack. Kinakabahan man siya ay naglakas ng loob siyang pumasok sa opisina ni Jack noong sumagot ito na puwede na siyang pumasok. Nasasanay na si Evelyn sa paghihintay ng sagot nito bago pumasok sa opisina at nagiging proud siya sa sarili niya dahil unti-unti na niyang nasusunod ang rules sa S2J Black Stitch. Ayaw rin naman niya na palagi silang hindi maayos na nag-uusap ni Jack. “Heto na po ang coffee mo, Mr. Avillarde.” Hindi siya nakarinig ng pasasalamat kay Jack kaya hindi na siya umaasa na marunong itong magpasalamat dahil noong sumubok naman siyang tumulong sa binata ay hindi naging maganda ang kinalabasan kaya napagtanto ni Evelyn na gagawin na lang niya ang trabaho niya para kumita ng pera at makatulong sa pamilya niya. “Huwag ka munang aalis, mag-uusap pa tayo,” sabi ni Jack kaya naman nagtaka si Evelyn at kaagad na naisip na baka pagagalitan pa siya nito o kaya ay tuluyan na siyang mawawalan ng trabaho. Kinuha lang nito ang cell phone niya para sagutin ang tawag na iyon. Sumenyas pa siya kay Evelyn na maghintay roon kaya naman naupo si Evelyn. Mahinahon ang boses nito sa kausap niya sa kabilang linya kaya naisip ni Evelyn na baka nobya iyon ni Jack o kaya ay kung sinong importante sa binata. Halata sa boses nito ang pagiging malumanay niya na hindi nasasaksihan ng mga tao sa opisina at lalong-lalo na si Evelyn. Bago iyon sa pandinig niya. “I’m sorry, I can’t. Marami pa akong tatapusing trabaho ngayon. Babawi na lang ako sa susunod, may susunod pa naman, hindi ba? Sure, just let me know ahead of time para ma-clear ko ang schedule ko to see you. I’m really sorry. Salamat sa pag-intindi.” Narinig iyon ni Evelyn kaya naman lihim siyang napangiti dahil kung sino man ang nasa kabilang linya ay siguradong importante kay Jack para sabihin na bibigyan siya nito ng oras. Sa kabila ng pagiging abala nito sa trabaho ay malaking bagay kapag sinabi ng isang tao sa iyo na bibigyan ka nito ng oras. “Ang suwerte naman ng kausap niya. Sana may ganoong lalaki rin akong makilala,” ani Evelyn sa isip niya. Iba naman kasi ang saya kapag iyong isang tao ay nagbibigay ng oras sa iyo. Simple lang naman iyon pero hindi naman lahat ng tao ay kayang magbigay ng oras sa iyo. Napailing si Evelyn sa naisip niya. “Hindi ko naman sinasabi na suwerte siya kay Mr. Avillarde at sana ay kagaya niya ang makilala ko! Okay na sana kung hindi siya ubod ng sungit sa akin,” dagdag pa niya na pagkausap sa sarili na para bang nagpapaliwanag pa siya sa sarili niya. Pagkatapos makipag-usap ni Jack sa cell phone ay bumalik na ang atensyon niya kay Evelyn. Kasabay ng pagbalik ng atensyon niya kay Evelyn ay ang pagbabalik ng seryosong mukha niya. Seryoso na nakakakaba dahil parang galit na naman ito sa mundo. “Do you still want to work for me, Espinolista?” tanong ni Jack na walang paligoy-ligoy na ikinagulat naman ni Evelyn. “Ano ba namang tanong iyon? Siyempre, gusto ko pang magtrabaho rito kaya nga nandito pa rin ako, hindi ba? But is he going to fire me already?” Naisip ni Evelyn noong narinig niya ang tanong ni Jack. “Yes, of course. Bakit po? Hindi ko naman po talaga sinasadya na mabura ang files na iyon. Pinag-aaralan ko pa lang po iyon kaya sana ay hindi mo ako tanggalin dahil sa—” “Stop.” Isang salita na nakapagpatigil kay Evelyn sa pagpapaliwanag kay Jack. Tumingin siya sa mga mata ni Jack at kahit hindi niya bukambibig ang kakisigan ni Jack ay napahinto siya dahil nagtama ang mga tingin nila. Iyong tingin ng mata niya ay nakatatakot lalo na kapag seryoso ang pinag-uusapan pero mayroon din parte sa pagtingin niya na hindi mo gugustuhing tumingin sa iba. Iba ang tingin niya kapag galit siya at kapag seryoso lang ang mukha niya. Hindi ka mapapalingon sa ibang tao kapag seryoso siya samantalang mapapaso ka naman sa tingin niya kapag alam mong galit siya. Ang pakiramdam ngayon ni Evelyn ay hindi siya makatingin sa iba dahil ayaw niyang may ma-miss sa mukha ni Jack. Nakatutunaw pa ang tingin niya kay Evelyn. Brown ang kulay ng balat niya at napahinto na lang si Evelyn sa pag-scan sa mukha nito dahil sa pulang labi na nakapukaw ng atensyon niya. “Espinolista, seryoso ka ba sa pagtulala mo sa akin ngayon? May back-up si Charles sa files na iyon kaya hindi kita tatanggalin sa trabaho at ayaw ko na binabanggit mo iyon dahil ako lang ang magdedesisyon sa bagay na iyon. Ayaw ko lang na maulit ulit ang ganoon dahil hindi dahilan ang pagiging bago mo sa aksidenteng pagbura ng files sa system. Hindi iyon mangyayari kung naging maingat ka lang. Ang kailangan ko lang ay mag-ingat ka dahil lahat ng files ay importante sa akin, maliwanag ba sa bagay na iyon? Now, itigil mo na ang pagtitig sa mukha ko.” Parang hindi huminga si Jack sa bilis ng pagsasalita nito, mabuti na lang ang hindi talaga siya galit ngayon. “Yes, maliwanag po iyon sa akin, Mr. Avillarde. Hindi naman po ako nakatingin sa iyo,” bulong niya sa huling salita na sinabi ni Evelyn ngunit narinig pa rin iyon ni Jack. “Good. Narinig ko ang sinabi mo, kung hindi ka nakatingin sa mukha ko, ano pala ang tinitingnan mo?” tanong ni Jack. “Sa mga mata mo. May nakapagsabi na bang maganda ang mga mata mo?” Nabigla si Jack sa pagiging direkta rin ni Evelyn kaya sinabi niya na huwag na dumaldal dahil hindi siya pinag-stay ni Jack para makipagkuwentuhan. “May ipagagawa ako sa iyo kaya rito ka muna sa loob ng opisina ko kaya huwag ka na dumaldal pa.” Tumayo si Jack na dala ang laptop niya pagkatapos ay pinakuha nito kay Evelyn ang laptop niya para may ituro sa dalaga at pagkabalik naman ni Evelyn ay nakaupo si Jack sa sofa na madalas upuan ng mga bisitang kliyente ni Jack. Nang maupo naman si Evelyn sa tabi ni Jack ay naamoy kaagad niya ang bango ng pabango ng binata. Kahit mahirap para kay Evelyn na makinig habang nagsasalita si Jack ay kinaya niya hanggang sa matapos ang pagpapaliwanag nito. Hindi nga rin niya alam kung paano siya nakapakinig sa binata lalo na at amoy na amoy nito ang bango ni Jack at malapit ang mukha nila sa isa’t isa. “Tapusin mo muna iyang itinuro ko sa iyo ngayon habang nandito sa opisina ko. Confidential ang mga nandiyan kaya kailangan kong makita ang ginagawa mo, ayaw ko na may lalabas na confidential na detalye mula sa kumpaniya ko.” Tumayo na si Jack at kinuha ang kape na itinimpla ni Evelyn para sa kanya. Naiilang si Evelyn na nakatingin sa kanya si Jack habang inaayos ang laptop nito para masimulan ang paggawa sa inutos ni Jack. “I want to say sorry about the other day, masama nga ang naging panaginip ko kaya sa iyo ko iyon naibuhos. Sa susunod na mangyari ulit iyon, hayaan mo na lang ako na mag-isa.” Halos hindi na nga iyon naintindihan ni Evelyn dahil ibinulong lang iyon ni Jack habang malapit ang bibig niya sa kape na iniinom. Mabuti na lang at alerto si Evelyn kaya naintindihan pa rin niya ang mga sinabi ni Jack. Tipid na ngiti na lang ang isinagot niya kay Jack. “Marunong pala siyang humingi ng tawad? Pero sa susunod na mangyari iyon ay hinihiling niya na hayaan ko na lang siya? Ang ibig sabihin pala ay hindi iyon ang unang pagkakataon na nangyari iyon?” Napaisip si Evelyn sa sinabi ni Jack. “Thank you sa coffee. Tapusin mo na iyan dahil kailangan ko ang summary na iyan ngayon araw.” “No way! It’s a miracle! He thanked me! Humingi na nga siya ng tawad at nagpasalamat pa! Wow! May himala yata ngayong araw kaya ang bait ni Jack sa akin ngayon,” ani Evelyn sa isip niya habang may matipid na ngiti sa boss niya. “I understand, Mr. Avillarde. Tatapusin ko po ito at salamat po na hindi mo ako tinanggal. Gagawin ko po itong trabaho nang maayos.” “Ayaw ko na sa salita ka lang magaling, just do your job properly at sa ganoong paraang ay hindi naman tayo magkakaroon ng problema.” “Thank you, Mr. Avillarde.” “By the way, sasama ka na rin sa akin mamaya dahil ipakikita na sa iyo ni Charles ang tutuluyan mo. Magkakaroon ka pa rin ng pribadong buhay kahit na nasa isang compound lang tayo at hindi rin kita guguluhin kapag tapos na ang office hours maliban na lang kapag humiling ako na mag-overtime ka. Puwede kang magtanong sa akin basta may kinalaman sa trabaho.” Nakapagpaalam na si Evelyn sa magulang niya at nalaman na rin ng mga ito ang set-up niya kay Jack Avillarde. Kilala ng mga ito si Jack bilang isang magaling na businessman kaya naman natuwa ang mga ito noong nalaman na magtatrabaho si Evelyn sa kumpaniya ni Jack. Excited din si Evelyn dahil kahit na matagal na siyang nagtrabaho sa ganitong industriya ay iba pa rin ang pakiramdam kapag isang sikat at kilalang businessman ang boss niya kagaya ng nag-iisang Jack Avillarde. Ano kaya ang magiging buhay ni Evelyn habang nagtatrabaho siya sa kumpaniya ni Jack? Magiging maayos kaya ito o palaging magkakaroon ng pagtatalo sa pagitan nilang dalawa? Ang nasa isip lang ngayon ni Evelyn ay masaya siya na marinig ang pagpapasalamat at paghingi ng tawad ni Jack sa kanya. Dahil doon ay awtomatikong nabura ang pagkainis ng dalaga sa boss niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD