Kabanata 9

1731 Words
Nang gabi rin na iyon ay hindi makatulog si Evelyn dahil sa muling paninibago sa kanyang tinutuluyan kaya bumaba siya at lumibot sa paligid ng mansyon na pagmamay-ari ni Jack. Ang sabi naman sa kanya ni Charles ay maaari siyang lumibot sa bahay na iyon basta huwag lang siyang papasok sa bahay ni Jack dahil hinding-hindi nito magugustuhan ang bagay na iyon. Naintindihan naman iyon ni Evelyn dahil alam niyang importante sa boss niya ang pagkakaroon ng pribadong buhay at hindi naman siya basta-basta papasok sa bahay ng may bahay. Kanina lang ay tinapos na niya ang mga naiwan niyang trabaho dahil nag-iwan ng mensahe si Charles sa mga trabahong hindi niya natapos at nandoon din ang mga paalala sa mga presentation na kailangan ni Jack para sa mga susunod na araw dahil sa sunod-sunod na meeting. Akala nga ni Evelyn ay aantukin siya sa paggawa ng mga iyon pero hindi pa rin siya makatulog kaya napagpasiyahan niyang libutan ang lugar. Hindi siya naglakas ng loob na lumapit sa bahay ni Jack dahil baka magalit pa ang lalaking iyon kaya pumunta siya sa munting tambayan na nandoon. Parang bahay na nga iyong maituturing dahil may malalambot na upuan na maaari ring higaan. Mansyon talaga ito pero para kay Evelyn ay malungkot pa rin mag-isa sa ganito kagandang bahay. Naisip niya kung ganoon din ba ang nararamdaman ni Jack kapag narito sa bahay niya. “Charles?” bulong ni Evelyn nang mapansin na may lalaking nakahiga roon at mukhang natutulog pa iyon. Nakatakip ang braso nito sa mukha ng binata pero sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang siyang napatingin sa mga labi nito at kaagad niyag nalaman kung sino ang lalaking nakahiga roon. “Sir Jack? Bakit kaya nakatulog siya rito?” pagkausap sa sarili nang mapagtanto niyang si Jack ang nandoon. Aalis na sana siya para hindi maabala ang binata sa pagtulog nito dahil alam naman niya na giyera na naman nila iyon kapag nagising si Jack dahil sa kanya pero nang marinig niya na muli itong nagsasalita habang tulog ay napahinto siya. “I’m sorry, I’m sorry.” Paulit-ulit iyong naririnig ni Evelyn mula kay Jack kaya naman gustuhin mang iwanan si Jack sa mga oras na iyon ay hindi niya magawa dahil iniisip niya na muli itong nananaginip nang masama. Hindi naman niya akalain na ganoon kadalas ang panaginip na iyon. Tungkol saan kaya iyon at bakit palagi itong humihingi ng tawad? “Madalas kaya itong nangyayari sa kanya?” napatanong na lang si Evelyn sa isip niya habang papalapit kay Jack. “No, don’t go! It’s all my fault . . . I’m sorry.” Muling narinig ni Evelyn ang pagsasalita ni Jack at kitang-kita rin niya ang malalaking butil ng pawis sa mukha ng binata. Ganito rin ang pawis niya noong ginising siya ni Evelyn noong minsang makita rin siya nitong nananaginip sa opisina. “Sir Jack?” Marahan niyang niyugyog si Jack para magising pero patuloy lang ito sa pagsasalita at paghingi ng tawad sa kung sinomang nasa panaginip niya. Nagulat na lang si Evelyn nang hawakan siya nito sa palapulsuhan nang mahigpit na mahigpit na halos nasasaktan na ang dalaga sa higpit ng hawak ng binata kaya kahit subukan niyang tanggalin iyon ay hindi niya magawa. Pakiramdam ni Evelyn ay mababalian siya dahil sa paghawak ni Jack nang mahigpit kaya pinilit niyang makawala rito. “Sir Jack, gumising ka na. Nasasaktan na ako.” “I’m sorry,” mahinang sambit ni Jack habang mahigpit pa rin ang pagkakahawak kay Evelyn. Akala niya ay nagising na ito pero nananaginip pa rin pala ito. “Sir Jack, bitiwan mo na ako. Nasasaktan na ako.” “Jack!” Napalingon na lang si Evelyn noong narinig niya ang boses sa likod at ang boses na iyon ay galing kay Charles. Nang makita ang mahigpit na pagkakahawak ni Jack kay Evelyn ay kaagad naman itong tumakbo para tanggalin ang kamay ni Jack sa palapulsuhan ni Evelyn at kasabay nito ay ang paggising ni Jack ngunit wala itong ideya sa nangyayari. Nakiusap si Charles na bumalik si Evelyn sa bahay nito at magpahinga na. Humingi lang siya sa tawad sa ginawa ni Jack dahil may masamang panaginip lang daw ang binata. Kahit naguguluhan si Evelyn ay bumalik siya sa bahay. “Bakit ang dalas niyang magkaroon ng masamang panaginip? Tungkol kaya iyon saan?” tanong niya sa sarili nang makabalik na sa bahay. Napatingin siya sa braso niya na hinawakan ni Jack kanina at dahil sa higpit ng hawak nito ay bumakat ang kamay ni Jack doon at bahagyang namula ang parte na iyon. Sa kabilang banda ay kinausap ni Charles si Jack. “What’s wrong with you? Bakit ka riyan nakatulog at ano ang ginawa mo kay Evelyn? Baka natakot pa siya sa iyo.” Napahawak sa ulo si Jack at napasabunot. Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon siya masamang panaginip na parehas ang sitwasyon ngunit ito ang unang pagkakataon na halos gabi-gabi ay ganoon ang nagiging panaginip niya. Hindi na nga rin niya maintindihan kung bakit dumadalas na naman iyon dahil akala niya ay hindi na niya ulit mapapanaginipan ang bagay na iyon. “Hindi ko alam, Charles. Simula ng maging sekretarya ko iyang si Evelyn ay palagi kong napapanaginipan ang pangit na ala-ala na iyon.” “Ngayon ay isisi mo iyon sa kanya kahit na ikaw ang nanakit sa kanya? Nakita mo ba ang ginawa mo kanina? You hurt her dahil sa higpit ng hawak mo sa kanya.” “I know but I was dreaming! Hindi ko iyon intensyon na gawin sa kanya.” Umupo si Charles sa tabi ni Jack at tinitigan ang kaibigan niya. Tinanong niya ang binata kung gustong dalawin ang mga taong iniiwasan niya at kagaya ng palagi nitong sagot ay ayaw niyang magpakita sa mga iyon. Mabilis ang naging pagsagot ni Jack na parang hindi man lang iyon pinag-isipan. Nagbakasakali lang naman si Charles na baka magbago ang isip ni Jack tungkol sa bagay na iyon pero hanggang ngayon ay bigo pa rin siya. Matagal na ang nakalipas sa pangit na pangyayari sa buhay ni Jack at hanggang ngayon ay ginugulo pa rin siya ng pangyayari na iyon. Hindi maintindihan ni Jack kung bakit dumadalas ang ganoong panaginip simula ng makilala niya si Evelyn. Isa iyon sa dahilan kung bakit palaging mainit ang ulo niya sa dalaga pero batid ni Jack na sa pagkakataong ito ay kasalanan niya lalo na at nasaktan niya nang pisikal si Evelyn dahil sa mahigpit na hawak niya. Maaari din naman na idinadahilan lang niya na nagsimula ang gabi-gabing masamang panaginip noong nagtatrabaho na si Evelyn sa kaya para isipin na lilipas din ang masasamang panaginip na iyon. “Hindi ko na alam ang gagawin ko, Charles. Kulang pa ba ang mga ginagawa ko para sa kanila para makalimutan iyon? Alam ko na malaki ang kasalanan ko sa kanila pero bakit paulit-ulit pa rin iyong bumabalik na parang kahapon lang ang lahat?” Naiintindihan ni Charles kung bakit nagkakaganoon ang kaibigan niya pero ang hindi lang nito maintindihan sa sitwasyon ni Jack ay iyong patuloy na paninisi nito sa sarili niya kahit hindi naman niya kasalanan ang nangyari. Ikinukulong ni Jack ang sarili niya sa nakaraan at patuloy na sinisisi ang sarili. “Jack, maraming beses ko na sinabi sa iyo na ang paraan para maka-move on ka sa nangyari ay mapatawad mo ang sarili mo. Hindi ka talaga makawawala sa nakaraan na iyon lalo na kung patuloy ang paninisi mo sa sarili mo.” “But it’s really my fault.” “Maniwala ka sa akin, hindi magbabago ang masamang ala-ala na iyon pero bakit hindi mo gayahin ang mga taong tinutulungan mo? Kinakaya nila at nagpapatuloy sila sa buhay nila. Ikaw lang ang naiwanan sa panahon na iyon. Hanggang kailan mo ba parurusahan ang sarili mo?” tanong ni Charles kay Jack. Matagal na silang magkasama na magkaibigan at parang nakatatandang kapatid ang turing ni Charles kay Jack kaya alam din nito ang bawat kilos ni Jack at kung ano ang ibig sabihin ng mga iyon. “Isa pa, sinabi sa akin ni Wilson na hindi mo sinasagot ang tawag niya. Ikaw ang nagsasabi na unahin dapat ang pamilya pero bakit iniiwasan mo siya? Pamilya naman ang turing natin sa kanya, hindi ba?” “Magulo lang ang isip ko ngayon at ayaw ko na mahalata iyon dahil baka ako pa ang magdala ng stress sa kanya.” “Puntahan mo na siya dahil miss na miss ka na ng tatay mo. Kahit parehas kayo ng ugali na parang walang pakialam sa isa’t isa, alam ko na hindi iyon totoo kaya puntahan mo na. Siguradong lalakas ulit siya kapag nakita ka na.” “I’m sorry about this, Charles.” Tinapik ni Charles ang balikat ni Jack at tumango bago sabihing, “Hindi ka naman dapat sa akin humingi ng tawad. Sa pananatili ni Evelyn dito, palagi mo siyang pinagagalitan kahit hindi naman dapat. Take it easy on her dahil hindi niya maiintindihan kung bakit ka ganiyan sa kanya lalo na at wala naman siyang alam sa iniisip mo. Unreasonable na ang ibang dahilan ng galit mo sa kanya. Nasaan na iyong Jack na professional pagdating sa trabaho? Kung akala mo ay susuko si Evelyn kagaya ng mga naging sekretarya mo, nagkakamali ka roon dahil sa pagkakataong ito ay sigurado ako na nakahanap ka ng katapat mo. Ayaw na ayaw mo sa masayahin at makulit kagaya ni Evelyn kaya swak na swak siya para maging sekretarya mo dahil ang mga katulad niya ang babaeng hindi basta-basta sumusuko.” “Hindi mo naman siya kilala para sabihin iyan,” kumento ni Jack. “Tama ka naman pero kilala kita kaya alam kong hindi ka rin uubra sa kanya. Akala mo ba ay hindi ko napapansin na sa mga naging serkretarta mo, siyempre bukod sa akin, si Evelyn ang madalas mong binabanggit.” “Ano na naman ito? Are you implying again that I’m interested with her?” Itinaas ni Charles ang kamay niya bago sabihing, “What did you say? Come on, Jack, ikaw lang ang nag-iisip niyan dahil wala naman akong ibang ibig sabihin unless interested ka na nga talaga sa kanya.” Napailing na lang siya sa sinabi ng kaibigan niya kahit na alam naman niyang nagiging interesado siya sa dalaga pero iniisip din niyang hanggang doon lang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD