Chapter 6
Mystery
Kundi dahil sa kamay ko, nang ilapat ko sa metal na 'yon ang kamay ko ay bigla nalang may umilaw na kulay pula sa kamay ko.
Bahagya pa akong napaigtad nang may boses na nagsalita.
"Access granted. You may come in." Parang boses ng isang robot.
Kahit halata pa ang gulat ay pumasok nalang din ako.
Nakakamangha dahil pagpasok ko, kasyang kasya ako. 'Yong pintuan lang pa ang maliit.
May nakalagay sa ibabaw na push the button on your right side kaya sinunod ko.
Akala ko paountang taas o kaya baba pero nagulat ako nang papuntang right side 'yong tulak.
Maya maya pa'y huminto na ito, bumukas ang pinto.
Bumungad sa akin ang isang lumang laboratoryo.
Napakunot noo ako.
Bakit may laboratory dito?
Mahahalata mong luma iyon base na rin sa mga gamit at alikabok na nakapalibot rito.
May mini table sa gilid, may nakalagay ditong papel.
Unti uti akong lumapit do'n at kinuha ang papel.
Remmy Koecha?
Nakapangalan kay Ate ang papel.
Meron na akong ideya kung kanino 'tong laboratoryo pero ayaw ko munang mag isip masyado.
Masyado pang maaga para kumpirmahin ito.
Pumihit ako pakanan para tignan kung may makikita pa ako pero napaigtad ako nang may tumunog na kung ano.
“Opo, sir. Masusunod po.”
Napakunot noo ako, boses ni Nanay Leli? Napamangha ako nang may makitang parang isang maliit na speaker.
Pero paanong naririnig ko hanggang dito ang sinasabi ni Nanay Leli?
Bumuntong hininga ako.
Unang araw ko palang ito ngunit napakakumplikado na ng mga natuklasan ko.
Hinayaan ko nalang 'yong speaker, paniguradong si Dad ang kausap ni Nanay Leli sa telepono.
Baka magtaka na si Nany Leli na sobrang tagal ko maligo kaya tumungo na ako sa elavator, kung 'yon ba talaga ang tawag dito.
Pinihit ko ang kaliwa dahil iyon ang nakasaad sa ibabaw.
Nagsalita na naman ang boses na parang robot pero hindi na ako nagulat. Naninibago lang.
Nang makarating na ay dahan dahan akong bumaba at maingat na tinakpan ulit ang elevator gamit ang salamin.
Nahahapong pinunasan ko ang aking mga pawis.
Bumuga ako ng hangin, too much for this day.
Naligo na ako at nagbihis.
Pagkatapos ay humiga sa kama, pinag iisipan ko kung ano na ang susunod 'kong plano.
Marami nga akong natuklasan pero parang ang layo naman no'n sa mga sagot sa katanungan ko.
Wala sa mga 'yon ang sagot sa matagal ko ng gustong malaman.
Ang pagkamatay nila.