Chapter 5

413 Words
Chapter 5 Passage Nangunot ang noo ko nang makita ang mga numero na nakasulat sa ibabaw ng mga libro na iyon. Iyon lang ata ang pinagkaiba ng libro, may mga numero ito. At para saan naman kaya 'tong mga numero? Bumuntong hininga ako dahil parang mas lalo pang dumadami ang kailangan 'kong tuklasin. Nagpunta ako rito para malaman ang mga sagot sa tanong ko pero mas lalo pang nadagdagan ang mga tanong sa utak ko na kailangan ng mga sagot. Napagdesisyunan 'kong lumabas na muna sa kwartong iyon dahil baka kung ano pa ang mga mapapansin ko na mas magpapakumplikado sa sitwasyon. Napaisip ako. If my Dad really killed my Sister, why did he keep my sister's picture in the library's desk? Oo, nakita ko ang litrato doon ng aking kapatid kaya mas lalo pang gumulo ang aking isipan. Masyado nang marami ang tanong na bumabagabag sa akin. Malapit na rin mag alas sais ng umaga kaya bumaba na ako, nagpanggap na kakagising lang. Kunwaring humihikab na bumababa ako sa hagdan patungo sa dinning area. Nanay Leli is serving the food nang makarating ako. Amoy na amoy ang aroma ng pagkain, simula bata pa lang ako ay masarap na talaga magluto si Nanay Leli. Kaya paborito ko ang mga luto niya. Nang makita ako ni Nanay Leli na paparating ay napangiti siya at binati ako ng magandang umaga. Kahit tinatamad ako magsalita ay pinilit ko pa rin bumati pabalik. Nagsimula na ako kumain ng hainan niya ako ng mga pagkain sa plato. Nang matapos kumain ay agad akong umakyat sa kwarto at naligo, hindi naman mainit pero nasanay lang ako na naliligo pagkatapos kumain. Gusto ko ulit balikan ang third floor pero pakiramdam ko hindi ako puwedeng pumunta doon ng ganitong oras. Nang pumasok sa banyo ay dumeretso ako sa bathtub, akmang pipihitin ko na ang faucet nang may mapansin akong bitak sa pader malapit sa salamin. A c***k? Sa pagkakaalam ko matibay ang pundasyon ng bahay namin. Ang sukat ng salamin ay kalahati ng katawan ko. Hinawakan ko ng mabuti ang magkabilang gilid nito at unti unting inangat. Muntik ko ng mabitawan ang salamin sa gulat nang may tumambad sa aking isang parang elevator. Pero maliit lang siya. At sino naman kaya ang kakasya dito? Kinatok ko iyon at nakumpirmang gawa iyon sa materyales kagaya ng sa elevator. Sinubukan 'kong itulak ito gamit ang kanan 'kong palad. Gano'n nalang ang pagkagulat ko nang bumukas iyon, hindi dahil sa pwersa ng pagtulak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD