Chapter 4

412 Words
Chapter 4 Floor Kinabukasan ay maaga pa akong nagising kaya naman napagdesisyunan ko nalang maglibot libot. Habang naglilibot ay 'di ko maiwasang alalahanin ang mga alaalang tumatak sa akin. Nagulat ako nang pag akyat ko sa hagdan patungong third floor ay maalikabok. Hindi man lang ba nila nililinisan ang palapag na'to? No, impossible. Maalaga si Nanay Leli sa bahay na'to simula bata pa ako, kaya nakapagtatakang hindi nalilinis ang ikatatlong palapag ng mansiyon. Dahil sa kuryosidad ay nagpatuloy ako sa paglalakad. Something's off. Sa pagkakaalam ko dito matatagpuan ang dating opisina ni Dad at library. Dahan dahan akong humakbang patungo sa isang pinto. Ramdam ko ang kabog ng aking puso, pipihitin ko lang naman ang doorknob pero bakit parang kinakabahan ako? Oh c'mon, Racey. Ngayon ka pa ba maduduwag? What if andito ang hinahanap mo? Napasagap ako ng hangin bago pihitin ang seradura ng pinto. Unti unti ko iyong itinulak, gumawa pa iyon ng ingay ngunit sinikapan 'kong bagalan ang pagtulak upang hindi maging masakit sa tenga. Nang sa wakas ay nabuksan na ay dali dali 'kong inihakbang ang aking paa. Sa pagkakaalam ko ganitong oras din nagigising si Nanay Leli para magluto ng agahan, kailangan ko mag ingat. Unti unti 'kong isinarado ang pinto at bumaling sa mga librong nakatambak. Simula bata palang ako ay hindi ako nakakapunta rito, pinagbabawalan ako nila Mom and Dad kaya hindi ko rin alam na ganito ang itsura nito. Ang pinasukan 'kong silid ay mahahalatang matagal ng hindi gamit at luma na rin ang mga librong nakalagay sa bookshelf. Ang iba ay inaanay na. Oo, nasa library ako ng mansiyon. Ang dingding ay puno ng mga sulat, hindi ko maintindihan, parang mga formula. Sobrang liit lang at halos gatuldok lang ang makikita mo kapag nasa malayuan. Hindi ko maintindihan. Why would Dad design this wall with some scientific formulas? Isinawalang bahala ko na lamang iyon, baka nag ooverthink lang ako. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na mahilig si papa sa science, I spotted him solving a formula way back when I was in highschool at hindi ko alam kung para saan iyon. Bumaling naman ako sa isang hanay ng mga libro na halos pare parehas lang ang pamagat. Sa tingin ko ay nasa bente ang mga libro, pero bakit sobrang dami naman yata? Binuklat ko ang dalawa at nakitang parehas lang sila ng nilalaman. Ibig sabihin ay lahat sila magkakapareho? At ang isa ko pang napansin ay halos lahat sila ay bagong bago pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD