Chapter 20- Panaginip mula sa nakaraan

1077 Words
BUMALIGWAS ng bangon si Cairo mula sa pagkakahiga sa malambot na kama. Habol niya ang hininga at pawisang-pawisan ang buong katawan. Dinaig pa niya ang niluto ng buhay sa nag-aapoy na kagubatan. Napalingon siya sa paligid. Wala siya sa nag-aapoy na kagubatan. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Panaginip. Nanaginip na naman siya ng masama. Muli na naman siyang dinadalaw ng nakaraan. Siguro, hanggang ngayon ay hindi pa din siya napapaatawad ng ina dahil sa nagawa niyang kapabayaan. Hinayaan niyang mapahiwalay sa kanya ang kapatid nan bi hindi niya alam kung ano ang naging buhay. Nakaligtas sila ni Gurong Rabiyo sa nag-aapoy na kagubatan sa hindi niya alam na paraan. Si Gurong Rabiyo ang lalaking humila sa kanya para hindi na sumunod sa bitag ng mga kaaway. Ito rin ang naging guro niya sa paglinang ng kanyang kakayahan. Magkasama silang pumasok sa kastilyo ni pinunong Ryeuki at nabilang sa sandatahang panlakas ng buong Yama. Pero matapos ang malaking digmaan na naganap ay hindi na ulit iyon nagkaroon ng kasunod maski pa lumipas na ang isang dekada. Kaya naman, pinayagan na din sila ni pinuno na magkaroon ng buhay sa labas ng kastilyo. Kasama siya ni Gurong Rabiyo nang lumabas ng kastilyo. At dahil wala naman siyang mapupuntahan ay sumama nalang siya sa ginoo. Wala silang ginawa kundi ang magsanay at papagyamanin ang kanilang mga kakayahan sa pakikipaglaban. Araw at gabi ay iyon ang kanilang naging buhay. Inihahanda niya ang sarili para sa gagawing pagtatakas sa kapatid mula sa Serov. Ngunit isang araw ay napag-alaman niyang ipinagbili ng mga taga Serov ang mga nahuling bihag na mga taga-Yama, lalong-lalo na ang mga bata dahil hindi mapapakinabangan ng mga ito ang mga iyon. Itinigil niya ang paghasa ng kakayahan maski pa tutol si Gurong Rubiyo. Kailangan niyang unahin ang paghahanap sa kapatid. Napuntahan na niya at lahat ang mga karatig na lugar ng Serov pero maski anino ni Kannon ay wala. Gabi-gabi ay hindi siya pinapatulog ng panaginip mula sa nakaraan at parang gusto nalang niyang sumuko. Pero nakilala niya si Kroen. Mabait, maganda at masiyahin ang dalaga. Nang dahil dito ay nagkaroon  siya ng panibagong pag-asa. Pag-asa na agad ay binawi ulit sa kanya. Kamuntik na niyang sukuan ang sariling buhay. Pakiramdam niya, pinagdadamutan talaga siya ng pagkakataong maging maligaya. Pero dahil sa bangungot ng nakaraan, muli siyang bumangon. Nabubuhay nalang siya para gawin ang dapat ay matagal na niyang nagawa—ang hanapin ang mga taong mahalaga sa kanya. Kaya lang, naipit na naman siya ngayon sa isang misyon. Kailan ba niya magagawang harapin ang sariling buhay?   “UMALIS si Cairo?” Tumango lang ang tagapagsilbi bilang sagot sa tanong na iyon ni Aila. Wala kasi sa hapag si Cairo ngayong agahan. At nang tanungin niya ang tagapagsilbi ay sinabing umalis daw ang binate. “Saan naman daw siya pupunta?” Akala ko ba, isa siya sa tagapagprotekta  ng choosen lady savior nila? “May mahalaga lang siyang kailangan bisitahin ngayong umaga. Nagpaalam siya sa akin at pinayagan ko naman, sa kondisyong babalik din siya bago magtanghali.” Si pinunong Ryeuki ang sumagot. Nakita ni Aila na umismid lang si Yamilla na nakatayo sa tabi nito. Nagpapaypay sa kamahalan. “Yamilla, bakit hindi ka pa kumakain?” tanong niya sa babae. Umikot sa ere ang mga mata nito. “Hindi ako pwedeng kumain na kasabay ninyo dahil alila lang ako.” Ismid ni Yamilla. Bumaling siya kay Ryeuki. Mukhang alam na nito ang gusto niyang iparating. Dahil bago pa man bumuka ang bibig niya ay nagsalita na ito. “May parusa pa siyang dapat gampanan. At iyong batas. Walang sinuman ang pumapaibabaw sa batas sa ilalim ng aking pamumuno, maski pa ako iyon. Kaya, ipagpaumanhin mo, Aila. Hindi ko maibibigay ang nais mo." Nagbuntong-hininga ako. “I’m sorry, Yamilla. Wala tayo sa mundo natin.” “Yeah. At kahit naman sa mundo natin, applicable ang: No one is above the law?” “Ano ba ang sinasabi ng babaeng ito? Nalalait ba niya ako at ang pamumuno ko?” tanong ni Ryeuki kay Aila. Napangiti siya kasunod ang pag-iling. “Not exactly. Ini-translate niya lang ang sinabi mo kanina at sinasabi niyang hindi siya tumututol.” “Kung ganoon ay pag-uusapan naming ang pagbabawas sa kanyang parusa, mamaya pagkatapos ng agahan.” Sabi naman ni Ryeuki. Lihim na napangiti si Yamilla at nag-thumbs up pa sa kanya. Biglang lumingon dito si Ryeuki. Agad na itinago ni Yamilla ang kamay at muling nagpaypay sa kamahalan. Bago pa makagawa ng reaksyona si Ryeuki ay agad na nagsalita si Aila. “Thumbs up ito, kamahalan. Ibigsabihin, okay or ayos, or mabuti. Basta ganon. Maganda ang ibigsabihin. Baka kasi mag-violent reaction ka na naman.” “Nagtitiwala ako sayo, Aila. Sana ay hindi mo ako nililinlang.” “Oo naman! Ikaw pa!” At ipinagpatuloy na nila ang pagkain.   ISANG malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Cairo habang nakatingin sa particular na bahay.Yari pa din sa pawid ang mga kabahayan sa lugar na iyon. Katulad noong mga panahong doon pa sila nakatira. Tandang-tanda niya kung saan nakatayo ang dati nilang bahay. Yari man sa pawid pero malaki at malinis naman iyon. Sariwa din ang hangin sa buong paligid. Natatandaan niya kung paanong kontento at masaya silang namumuhay na mag-anak. Hanggang isang araw, ginulat sila ng isang liham mula sa pinuno ng bayan. Ang dating ama ni pinunong Ryeuki. Ipinatatawag ang lahat ng kalalakihan sa buong Yama. May isang malaking digmaan na paparating at lahat ng mga lalaking nasa tamang edad, may asawa o wala ay kailangang makiisa para ipagtanggol ang bayan nila. Alam niyang natatakot ang kanyang ina sa maaaring mangyari sa kanyang ama pero wala silang pagpipilian. Lahat ng kalalakihan ay sumumpa ng kanilang buhay para ipagtanggol ang buong Yama. Iyon na ang naging simula ng lahat. Naramdaman ni Cairo ang pag-iinit ng mga mata habang nakatingin sa ginawang siga ng isang ginang sa tapat ng bahay. Mga tuyot na d**o na nilinis nito mula sa malawak na bakuran. Para bang nakikita ni Cairo ang huling sandali ng kanyang ina. Ang pagkasunog ng dati nilang bahay at ang pagkakahiwalay nila ni Kannon. “Patawarin mo ako ina. Hanggang ngayon, hindi ko pa din natutupad ang pangako ko sayo. Siguro ay nagagalit ka sa akin magpahanggang ngayon dahil naging pabaya akong kapatid. Marahil hindi ka matahimik mula sa kabilang buhay.” Naglandas ang mga luha sa pisngi ni Cairo at dali-dali niya iyong pinunasan. “Kuya Cairo?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD