Sumabay pababa si Duncan sa dalawang pinsan na nakaalalay sa kanya sa hagdan. Malayo pa lang sila ay tanaw niya na si Layla na katulong ng Mommy niya na naghahanda ng pagkain. Parang gusto niyang umatras dahil alam niyang hindi pa tapos ang pang-aasar ng dalawa sa kanya. "Kung ako sa 'yo Ethan, tatagalan kong maka-recover," biro ni Jayzee sa kapatid sa ama na napailing siyang natatawa. "Umayos kayong dalawa, baka mapikon si Layla," warning niya. Napalingon naman ang dalaga nang malapit na sila sa dining room at sandaling nagtama ang paningin nila. "Kinikilig ka ba, bro?" bulong ni Jayzee kay Ethan. "Tinamaan ang puso ko," sagot naman ni Ethan na inilagay pa sa tapat ng dibdib ang isang kamay. "Hi, Tita! Kailan ka dadalaw sa bahay?" tanong ni Jayzee sa Mommy niya. "Isama mo

