"Kumusta ang result ng therapy mo?" tanong ng Mommy niya nang puntahan siya nito isang araw sa silid. Dalawang linggo na mula nang mag-start ang therapy niya at ngayon ay nakakatayo na siya at nakakalakad ng ilang hakbang. "It went well, Mom. How is Uncle Zane?" tanong niya dahil nabalitaan niyang naospital ito kanina na dinalaw ulit ng Mommy at Daddy niya. "Workaholic pa rin. He is retired but still working like a horse. Would you consider filling a position in any of Albano Corp.'s office? Hindi naman habangbuhay ang paglalaro ng soccer, anak." Matagal na siyang hinihikayat ng mga magulang na pumasok sa opisina ng Albano Corp. katulad ng mga pinsan niya. He is a Certified Accountant. Pero sa ngayon ay wala pa sa isip niya ang bitawan ang kinahiligang sports. He loves to stay

