"Hindi na ba napapagod ang mga paa mo?" tanong ni Layla sa kanya matapos n'yang pumasok sa Albano Corp. nang isang linggo. Sa loob ng tatlong araw sa isang linggong 'yun ay isinasama n'ya ang kasintahan sa opisina pagkatapos ay uuwi sila dala ang trabaho sa bahay. He could work at home, at least until Layla's contract with him is finished. Sa umaga ay minamasahe pa rin nito ang binti n'ya at sinasabayan s'ya sa paglalakad sa palibot ng mansyon bilang parte ng therapy. "Hindi na. Thanks to you," nakangiti n'yang wika. "Kailangang mailakad mo na ulit 'yan nang normal. Isang linggo na lang kailangan ko nang pumasok sa ibang trabaho." "Can we extend your stay?" "Hindi naman puwede," mabilis naman nitong tanggi. "Naiinip na nga ako dito dahil wala na 'kong ginagawa." Matapos ni

