"Why don't you just quit your job to be with me?" tanong ni Duncan kay Layla nang magpaalam ang binata na aalis papuntang opisina pagdating ng Lunes. Dahil simula nito sa trabaho ay may meeting daw muna ang mga shareholders na parte ng korporasyon. Ang active ngayon sa pagpapatakbo ng kumpanya ay si Jayzee at Anikka, Ethan, Marcus at Stacey, si Danzel na kapatid ni Duncan, at si Laurenti na kapatid ni Jayzee at Stacey. Si Brandon at Zanya naman ang namamahala sa Montealegre Distillery na s'yang exclusive distributor ng liquors ng lahat ng sangay ng Albano Hotels. "Wala akong alam sa trabahong 'yan, baka mapahiya lang ako sa mga pinsan mo." "Tatapusin mo pa rin naman ang tatlong buwan na usapan natin, hindi ba?" "Oo. Kahit kung tutuusin hindi na nga kailangan eh." "Magiging bu

