THIRD POV Hindi tinantanan ni Desmon si Honey buong gabi. Galit ito—hindi dahil sa nangyari lang, kundi dahil hindi sinabi ni Honey ang tungkol sa problema nito. Ilang beses siyang sinubukang kausapin ni Desmon, pero nanatili siyang tahimik. Hanggang sa tuluyan siyang hinatid nito pauwi, hindi siya iniwan kahit isang saglit. Kinabukasan, pagpasok ni Honey sa eskwelahan, agad niyang napansin ang kakaibang tingin ng mga estudyante sa kanya. May mga pabulong-bulong, may ilang nakatawa, at may ilan naman na halatang nakikitsismis. Pero hindi niya ito gaanong pinansin. Akala niya, isa lang sa mga normal na araw na ginugulo siya ni Desmon o kaya’y pinagkakaguluhan ng ibang babae ang lalaki. Hanggang sa— “PUTA! HONEY, ANO ‘TO?!” Muntik nang mahulog ang hawak niyang libro nang marinig ang si

