Bumalik siyang dala na yata lahat ng gamit ko. Pati tuwalya ko ay kinuha rin niya kahit na ako ay hindi ko pa naiisip kung paano maligo sa sitwasyon ng paa ko. Pwede ba ‘tong basain? Nilingon ko ang paa kong natatakpan ng kumot. Para bang tumagos ang mga mata ko do’n at nakikita ko pa rin ang paa kong nakasemento. Mahina akong bumuntong-hininga. Bukas na ko na lang siguro paproblemahin. May ilan pang damit na bitbit niya. Kakaonti lang ang damit ko at kinuha na niyang lahat ‘yon. Toothbrush lang ang pinakuha ko pero parang ayaw na yata niya akong pabalikin sa kwarto namin ni Mona. “Here,” wika niya sabay abot sa akin ng toothbrush at toothpaste. Kinuha ko naman ‘yon. Agad siyang tumalikod sa’kin habang hawak ang gamit ko. “Saan mo dadalhin ‘yang mga damit ko?” Agad kong tanong dahil mu

