Chapter 8 Kabado akong umakyat sa kwarto. Nakita ko siyang may kausap sa cell phone niya. Hindi muna ako tuluyang pumasok at hinintay muna siyang matapos. Buti na lang at nakadamit pa naman siya kaya kahit papaano ay nabawasan ang kaba ko. “Hospital in Laguna?” Tanong niya kaya kinabahan uli ako. Nandoon si Rafaela sa hospital. Hindi niya yata alam na naririnig ko lahat ng mga sinasabi niya. Iba ang pakiramdam ko sa kausap niya. Baka mamaya ay pina-iimbistigahan na kami. Napalingon siya sa gawi ko at narinig ko siyang biglang nagpaalam sa kausap niya. Umakto akong parang walang narinig. Hindi rin naman siya nagulat na nakita niya ako kaya baka ako lang ang naglalagay malisya sa pagbanggit niya ng hospital sa laguna. “Ihahatid na kita pauwi,” biglaang sabi niya kaya nagulat ako. Tumin

