Chapter 9 Tatlong araw na hindi tumawag si Raevan kaya nabantayan ko si Rafaela hanggang sa makalabas kami ng hospital. Mabuti na lang at sinamahan ako ni Mona sa isang kakilala niyang nagpapautang ng pera. Doon daw ‘yon sa kapitbahay ng amo ko. Nakakahiya dahil magsisimula pa lang akong maglaba sa kanila bukas. Pero ang mahalaga ay nakalabas na kami ng hospital. Kalahati pa lang ang nababayaran namin doon at malaki pa ang balanse. “Ateng!” Tawag ni Mona mula sa labas ng bahay. Iniwan ko muna saglit si Rafaela na nag-aalmusal para pagbuksan ng pinto si Mona. Pagbukas ko ay nakita kong hingal na hingal ito. “Napano ka?” takang tanong ko sa kaniya. Hinahabol niya pa ang sariling hininga kaya hindi kaagad nakapagsalita. “Tumakbo k-kasi… akong pumunta dito. Pinapasabi kasi n-ni… Ser Domin

