Chapter 11 Nasa harapan kami ng malaking gate ng bahay niya ngayon. Nagmamakaawa na sana ay papasukin na kami. Nakikiusap ako sa guard na kung maaari ay makausap ko si Raevan. Pero paulit-ulit lang ang siansabi niya sa’kin. “Pasensiya na po, Ma’am. Hindi raw po tumatanggap ng bisita ngayon si Sir. Bumalik na lang po kayo sa ibang araw,” wika niya. “Hindi naman po ako bisita, Kuya. Nasa loob po ‘yong anak ko,” muli kong pakiusap. Kanina pa kami nakikiusap ni Mona buhat nan makarating kami dito pero ayaw niya talagang pumayag. “Hay naku, Kuyang guard. Kung ayaw mo kaming papasukin ay aakyatin ko na ‘yang gate niyo. Hindi ka na naawa sa kaibigan ko. Ikaw kaya ang kuhain ang anak, ano’ng mararamdaman mo?” wika ni Mona sa kaniya. “Pasensiya na po talaga kayo, Ma’am. Trabaho lang po,” wika

