Tulala ako sa tasa ng kapeng tinimpla ko. Hindi ko alam kung papaano uubusin. Panay din ang sulyap ni Raevan sa akin. Tulad na lang ngayon, gumagawa yata siya ng tocino. Tapos na siyang magluto ng itlog. Habang mina-marinade niya ang tocino ay patingin-tingin sa akin. Maaga pa pala. Napasulyap ako sa bilog orasan dito sa kusina. Alas sais pa lang ng umaga. Pati paggalaw ng kamay ng orasan ay pinagmamasdan ko rin para may dahilan ako para hindi sulyapan pabalik si Raevan. Hindi ko alam kung bakit kanina pa siya tumitingin. May gusto ba siyang sabihin? Malapit lang naman siya sa’kin at kung may sasabihin man siya, maririnig ko naman. Sumimsim ako sa mapait kong kape. Napangiwi ako at deretso na lang na nilunok. Hindi ko nae-enjoy. Sayang naman kasi kung itatapon dahil mapait. Kung lalagyan

