Sa hapunan ay magkatabi si Daddy Rafael at Mommy Vanessa. Todo asikaso si Daddy sa asawa niya. Sa edad nila ngayon ay para silang wala pang anak at apo. Ang bata pa rin sila tignan at parang mga dalaga at binata pa rin kumilos. O sadyang pinapabata sila ng relasyon nila. Mukha silang in-love na in-love sa isa’t isa kaya siguro hindi nakikita ang edad sa kanila. Kung paano tignan ni Daddy Rafael si Mommy Vanessa ay para bang siya lang ang nais niyang makita sa araw-araw. At kahit may edad na sila ngayon ay namumula pa ang pisngi ni Mommy Esang kapag binibiro siya ni Daddy Rafael. Ang sarap naman mahalin ng gano’n. Oo nga pala. Nando’n na ‘ko dati, binitawan ko lang. Malungkot akong ngumiti habang nakatanaw sa kanila. Naiinggit ako. Nami-miss ko na rin ‘yong pakiramdam ng tulad kay Mommy

