“Come here,” tawag niya sa akin. Lumapit naman ako sa tabi niya. Matapos ang mainit na tagpo kanina sa banyo… nag-aya siya rito sa kusina. Sa katunayan ay napilitan lang dahil nakiusap ako. Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa banyo kanina. Kapag sinasabi kong maligo na kami ay pinapaalala niya ang five hundred thousand na utang ko. Mamayang gabi, maniningil daw uli siya. Napapatanong tuloy ako sa sarili ko kung nababawasan nga ba? Kung hindi naman, ayos lang sa akin. Pareho naming ginusto ang nangyari. Wala namang masama dahil mag-asawa pa rin kami. Hindi na rin naman namimilit si Raeva. Hindi niya rin ako pinupwersa at hindi rin siya nagsasalita ng masasakit sa akin. Kapag sinasabi niyang bayad sa utang ay parang biro lang at paglalambing ang hatid no’n sa akin. Pero hindi ko pa r

