Para siyang hari na nakaupo sa trono niya. Nabuka ang dalawang hita na para bang nagsasabi na sa kaniya ang lang ang tronong inuupuan niya. Ako naman ay isang alipin. Alipin na pilit ginagampanan ng maayos ang trabaho. Dahil may utang ako at para bang ang kabayaran din ay ang maging sunud-sunuran sa lahat ng gusto niya. Pero para sa’kin, hindi lang ako isang alipin sa araw na ‘to. Dahil nagagalak na naman ang puso ko dahil nagagawa ko ito sa kaniya dahil gusto niya. Ibig sabihin, gusto na niyang nakakalapit ako sa kaniya. Gusto na niya ang presensiya ko. Hindi siya galit ngayon. Kanina ay nakita ko kung paano siya magtimpi ng galit sa akin. Kaya hindi ko rin maiwasang ngumiti habang inaayos ang mga magagandang pulang rosas na inabot niya. Hindi man niya ibinigay ng maayos, gusto ko pa ri

