Isinama ko muna si Rafela dito sa kwarto namin ni Raevan. May hahanapin lang ako. Gusto kong makita ‘yong damit na inayos niya. Habang hinahanap sa cabinet ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Nahihirapan akong maghanap. Hindi ako makapag-isip ng deretso dahil iniisip kung paano ‘yon inayos ni Raevan sa kagustuhan na bumalik ko sa kaniya. Kung paano ang nararamdaman niya noong tinatahi niya ‘yon. Siguradong pinaghirapan niya ‘yong ayusin. Lumabo ang mga damit dito sa cabinet dahil namuo ang luha sa mga mata ko. Agad ko ‘yong pinunasan. Hinahanap ko pa rin dahil gustong-gusto ko ‘yong makita. Patuloy lang ako kahit na nahihirapan ako. Tinignan ko sa lahat ng damit ni Raevan pati sa drawers. . .sa huli ay hindi ko rin nahanap. Tumungo ako sa library niya. Maingat kong pinihit an

