Napaigtad ako sa tunog ng alarm. Hindi ako natulog kagabi. Ni hindi ko rin naramdamang dinalaw ako ng antok. Napapalingon na lang ako kay Raevan kapag gagalaw siya o lilipat ng pwesto. Samantalang ako, nakaupo lang buong magdamag. Nag-iisip ng malalim. Hindi talaga ako pinatulog ng pintuang ‘yon. Gusto kong subukang buksan. Pero tuwing gagalaw ako ay humihigpit ang nakayakap na kamay sa akin ni Raevan. Gising yata ito dahil kada gagalaw ako, gagalaw din ang kamay niyang nakayakap. Pinatay ko ang alarm. Nakapikit pa rin siya at mukha namang tulog. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niyang nakapatong sa tiyan ko. Nang maalis ay pinagmasdan ko si Raevan. Anong sekreto ang tinatago niya sa’kin? At ano ang sinasabi ni Isabel na matagal na ‘kong nagmumukhang tanga? Winaksi ko ang nasa isip at tu

