Chapter 91

2246 Words

Ang masarap at masayang almusal ay hindi kaagad natapos dahil dumating sina Mommy Vanessa at Rafaela. Sinabi rin ni Van na sasama siya sa’min. Ayaw daw niyang mawala ako sa paningin. Kaya naman tuwang-tuwa si Mommy sa aming dalawa. “Manang-mana ka talaga sa Daddy mo. Masiyado kayong possessive. Hindi naman kami mawawala sa inyo pero kung itali niyo kami at bantayan, para kaming mananakaw,” nakangisi at birong sabi ni Mommy. “Maganda na ang sigurado,” sagot naman ni Raevan habang kumakain ng dessert. Hindi ko alam ang tawag sa ganitong dessert pero mukha siyang gelatin na may letche flan. Meron pang hiniwang maninipis na manga na nasa ibabaw. Gustong-gusto ni Rafaela pero nilimitahan siya ng Daddy niya dahil sobrang tamis. “Oh, siya… dalian na natin para marami tayong mabili,” wika ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD