Chapter 17 Nang makaalis sila ay nakatanggap ako ng text mula kay Mona. “Biyahe na kami.” Nagtipa naman ako ng reply. “Ingat.” Agad naman siyang nag-reply. “Kinakabahan ako para sa’yo pag-uwi nito.” “Mas lalo na ako. Gusto ko mang umalis na dito sa puder niya… hindi ko rin magawa dahil hahanapin ako ni Rafaela.” Noong gabing umiyak siya ng husto ay ayoko ng maulit ‘yon. At isa pa, hindi ko kayang iwan ang anak ko kung hindi rin si Mona ang magbabantay. May trabaho naman si Mona at wala akong ipapasahod sa kaniya kung sakali. Ayokong kausapin si Raevan na si Mona na lang ang mag-alaga kay Rafaela habang ako ay nasa nagtatrabaho. Baka kapag sinabi ko ‘yon, para ko na ring pinatunayan sa kaniya na pabaya akong ina. Baka isipin niya, ‘di ko kayang alagaan si Rafaela at pinapasa ko pa sa i

