Chapter 16 Kinabukasan ay maaga akong nagising para ako na ang magluto ng almusal. Tulog pa naman si Rafaela kaya bumaba na ako. Alas singko pa lang ng umaga at mga alas sais kung magising si Rafaela at kung minsan naman ay alas syete. Gaya noong nakaraang gabi, hindi na naman sa kwarto natulog si Raevan. Pero nakita ko siya kagabi na naligo sa kwarto. Nagbihis lang at lumabas na uli. At gaya rin noong nakaraang gabi, si Rafaela lang ang inayusan niya ng kumot. Dapat na yata akong masanay na gano’n. Maraming tirang kanin kagabi dahil hindi yata kumain si Raevan. Sinangag ko na lang ‘yon para hindi sayang at nagluto ako ng itlog at hotdog. Sinamahan ko rin ng nuggets para kay Rafaela. Minsan lang siya makakain nito e. Kapag may bigay lang ang amo ko. Pagkatapos kong magluto ay tinakpan

