“Kaya ko pong maglakad,” wika ko nang akma niya akong bubuhatin. Imbes na makinig ay sinunod pa rin niya ang gusto niya. Binuhat niya ako hanggang sa makasakay sa sasakyan niya. Si Mona ay nakasunod lang sa amin. Dala pa niya ang pamunas. Gusto sana niyang sumama pero hindi siya pinayagan ni Sir Raevan at ang sabi. . . “I can handle.” Tumango na lang si Mona at sinabing magpagaling ako. Nang makasakay na ako ay siya namang labas ng Daddy at Mommy niya. Pareho silang may pag-aalala sa mukha. Masasabi kong mabubuting tao talaga sila. Dahil nakikita ko sa kanilang mga mata na kahit katulong lang ako, may pagpapahalaga sila sa akin. Nag-aalala sila kahit hindi nila ako kaano-ano. “Love, sasama ako,” paalam ni Ma’am Vanessa. “No, Mom.” “No, Love.” Sabay na sabi ng mag-ama. Ngumuso naman

