Si Sir Raevan ang maghahatid sa akin sa guess room. Nasa second floor ‘yon. Naabutan pa namin ni Mona na naglilinis. Napalingon siya sa’min at agad na lumapit. “Kamusta na ang pakiramdam mo? Anong sabi ng doktor sa’yo?” Bungad niya nang makalapit siya. Nilingon niya pa ang paa ko. Rumihistro sa pagod niyang mukha ang pag-aalala. “Naaksidente ka ba?” Nag-aalalang tanong niya. Umiling naman ako. Nakakahiya dahil buhat pa ako ni Sir Raevan habang kinakausap ako ni Mona. Nakakahiya rin kay Mona dahil mag-isa siyang naglilinis ngayon. “Natapilok ako kagabi,” sagot ko. “Iyong heels ba? Ang taas kasi no’n,” saad niya. Agad niyang tinakpan ang bibig nang mapagtanto niyang nakatingin sa amin si Sir Raevan. Siya pa naman ang nagpadala ng heels na ‘yon. “S-Saan niyo nga po pala siya dadalhin, Si

