Chapter 23 Buhat nang mangyari sa garahe… hindi na ako kinakausap ni Raevan. Para niya akong iniiwasan kaya naman hindi na rin ako nakakarinig ng masasakit na salita mula sa kaniya. Ni kahit utusan niya ako ay hindi niya ginagawa. Pagdating naman sa pag-aalaga kay Rafaela, hinahayaan niya lang ako. Mas lalong tumahimik ang buong bahay. Mas mahirap pala kapag hindi ka kinakausap. Nagmumukha akong multo na hindi nakikita. Ang ginawa ko no’ng gabing ‘yon… labis kong pinagsisisihan. Mali. Mali ang ginawa kong ‘yon. At tama si Raevan, dapat piliin kong manatili sa anak ko at huwag siyang iwan. Simula noong gabing ‘yon ay palagi na akong humihingi ng tawad kay Rafaela pati na rin kay Raevan. Kung maaari lang sanang bumawi sa kanila ay gagawin ko. Pero mas lalong lumayo si Raevan sa akin kaya

