Chapter 30 Isang araw muna ang lumipas bago kami lumipat ni Mona sa mansion. Nagligpit pa kasi kami sa kwarto niya at nagpaalam na rin sa landlady. Dala-dala ang mga gamit ay bumalik uli kami dito sa mansion para makapagtrabaho na. Halos wala akong damit dahil nakikihiram lang naman ako kay Mona. Kaya tinulungan ko na lang si Mona sa pagbitbit ng mga gamit niya. Pinapasok kami ng guard at gano’n na lamang ang pagkamangha namin sa malaking bahay. Tatlong palapag pala ito at sobrang laki. Marami ring sasakyan ang naka-parking. May sarili pang fountain sa gitna. “Ang ganda,” tanging bulalas namin ni Mona. Matataas pala ang pader mula dito sa loob kaya pala hindi kita sa labas ang malaking parte ng bahay. Ang desenyo mula dito ay talagang nakakamangha sa ganda. Hindi ako marunong tumingin

