Chapter 44 *Raevan’s POV* “AKO SI VIVIEN SARMIENTO! ISA AKONG BABAE,” malakas niyang boses habang inaalalayan ko siya papuntang kwarto niya. Wala siyang malay kanina sa restaurant pero nang magising. . .naging maingay na at ang daming sinasabi. Malakas pa siyang tumawa. “Babae ako, ‘di ba, Sir?” Tanong niya sa akin. Hindi siya makapaglakad ng maayos at mapupungay ang mga mata. Hindi na ako nakapasok sa trabaho dahil nalasing ang ka-date ko. Yeah. Gusto kong isiping date ang nangyari kahit na paraan ko lang ‘yon para maalis ko siya sa bahay habang nandoon ang bad vibes. Mabuti na lang at ngayong nakauwi na kami, tapos na sila. I’m making sure na next week, hindi na kasama si Aaron. Tinandaan ko talaga ang pangalan na ‘yon para maitawag ko sa agency nila. Ayokong may ibang tumitingin sa

