Chapter 55

3626 Words

Pagkaalis ni Raevan kanina ay sakto namang pababa na si Mona. Tapos na siyang maglinis sa taas. Halata ang pagod sa kaniyang mukha dahil mag-isa lang siyang naglilinis pero nang makita ako ay nakangiti siyang lumapit. Nakaramdam ako ng guilt dahil sa ngiti niyang ‘yon. Na para bang nagsasabi na okay lang kahit hindi ko siya natutulungan. “Kamusta na ‘yang paa mo?” bungad niya at pagod na umupo sa sofa sa tabi ko. Nakuha pa niya akong kamustahin sa kalagayan ko, samantalang ilang araw ko na siyang hindi masiyadong nasasamahan sa paglilinis dahil kay Raevan. Tapos nasemento pa ang paa ko no’ng party. Binaba niya ang vacuum na hawak at nagpunas ng pawis sa noo. “Hindi ko na nararamdaman ‘yong sakit. Dahil na rin siguro sa pain killer na nireseta sa’kin,” sagot ko. “E. . .kamusta naman ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD